Chapter 22
Punto de Vista: Luzeda Xiamara
Apat na taon ang lumipas...
"Damn it!" I exclaimed angrily at patapon na sinandal ang sarili sa backrest ng upuan. Countless courses for the countless attempt to restart the car's engine.
Kakalampas ko pa lang sa arch ng Nueva Caceres nang unti-unting namatay ang engine ng rental car. Nagawa ko pang itabi sa gilid ng daan ang kotse bago tuluyang namatay ang makina.
With my remaining patience, muli kong pinihit ang susi upang buhayin ang engine. But the car just made a throaty-like sound before it seemed to bog down.
I swore and gave up.
I sighed heavily and stared at the car's window blurred by the waters of rain. Bagamat wala namang bagyo pero napakalakas ng ulan. And I was stuck at the pavements!
Hinablot ko ang Gucci handbag sa passenger seat at kinuha ang cellphone upang tingnan ang oras. It's quarter past seven in the evening.
I was supposed to arrive a little earlier kung hindi lang na delay ang flight ko. Nasa airport pa ako ng Naga ay nagbabadya na ang masamang panahon. Pero hindi ko iyon binigyan ng pansin because I was confident I will arrive at the mansion smoothly kahit na umulan man. Ang mamatayan ng makina sa gitna ng daan ang siyang aberya na hindi ko inaasahan.
I was silently cursing the owner of the car rental agency for giving me a malfunctional car. Sobra pa naman ang binayad ko. Sa mga unang limang kilometro ay maayos naman ang takbo ng sasakyan. Subalit habang tumatagal ang byahe ay napapansin ko ang pagpupugakpugak ng makina hanggang sa tuluyan itong namatay ilang metro mula sa metes and bounds ng Nueva Caceres. Sa bahaging ito ay wala pa akong natatanaw na kabahayan or inns and hotels. Puro mga landmarks at malalawak na damuhan lang. Salamat sa streetlights na nagbibigay liwanag sa paligid. If not for it, total darkness of the place will creep out.
Ang alam ko ay hindi kalayuan mula rito, may nakatayong hotel na maari ko munang tuluyan. But I couldn't possibly get there by walking with the rain pouring this heavy. At kung tutuusin ay kulang kalahating oras nalang mahigit ay nasa hacienda na ako kung hindi lang nagka-aberya ang kotse.
I gripped on my phone, thinking of whom am I gonna ask for help. Hobie is in Texas. Adam's on a honeymoon with his wife after their all-of-a-sudden wedding. And as for Dad and Mom, well as of this moment, they probably thought I'm in Spain right now getting ready for clubbing with Dahlia. My homecoming was unannounced to everyone. It's not that I meant to surprise my family or anyone about my arrival. Sadyang ang pagbook ko ng ticket pauwi ng Pilipinas ay spur of the moment.
I have long been planning to go home. Subalit sa mga nakaraang araw ay pabago-bago ang aking desisyon. May araw na nagkakaroon ako ng tapang na bumalik ng Nueva Caceres, at may araw ring naduduwag ako. And I happened to have the courage today kaya bago pa lusawin muli ng agam-agam sa aking puso ang katapangang taglay, tumungo ako ng airport para mag book ng ticket. At least kung nandito na ako sa Camarines Sur, tumapang man o maduwag, wala ng atrasan.
"What are you so afraid of, Lucy? Natatakot ka ba sa sasabihin ng mga tao sa iyo sa pagbabalik mo doon?" Minsan ay naitanong ni Dahlia that Friday night over a glass of wine in the balcony.
"You know me, Dahl. I'm uncaring about other people's thoughts about me." Wika ko habang pinaikot-ikot ang wine sa loob ng goblet. "I'm afraid of my parents. Dad, much more. Alam mo namang umalis ako ng Nueva Caceres ng hindi kami nagkaka-usap ng maayos. Sa loob ng apat na taon, Dad never talked to me, even over the phone for regards, palaging ang Mommy lang. I'm afraid hanggang ngayon galit parin siya sa'kin."
YOU ARE READING
Five O'clock Sky (Nueva Caceres#1)
RomanceLuzeda Xiamara Altamontejo couldn't exactly pinpoint when did she start liking Sandro- the unlawfully attractive guy. Hindi lang sa edad nagkakalayo ang agwat nila, kundi pati na rin ang katayuan nila sa buhay. Sandro was a worker on her family's pl...
