CHAPTER 4

92 3 0
                                    

Since that day that I stoop on desperation, hindi na ako gumawa ng kahit anong kalokohan para lang mapalapit kay Sandro. In fact, I became stupidly distant with him. Hindi na ako lumalabas ng classroom tuwing breaktime para iwasang mag-cross ang aming landas kahit pa napakalaki ng Unibersidad ng Nueva Caceres. Hindi na rin ako tumatambay sa balkonahe tuwing weekend gaya ng nakagawian. I didn't want Sandro to see me. That continued until I heard the news that Sandro's grandfather died.

Yon 'yong rason na kahit malayo ang kanilang bahay sa plantasyon, ay sinisikap niya paring makauwi dahil walang mag-aalaga sa lola't lolo nya. Ang panghuli ay may sakit pa sa kidney. Kaya pala madalas na siyang lumiban sa klase at hindi na rin nakakapunta pa minsan sa plantasyon dahil sinasamahan niya ang Lola niya na ipa dialysis ang kanyang Lolo sa Maynila. Ngunit hindi na nagtagal pa ang buhay ng huli. Nalaman ko ang lahat ng iyon kay Manong Inggo, magsasaka sa'ming hacienda na malapit kay Sandro.

Lakad-takbo ang ginawa ko papalabas ng unibersidad. I was glad dahil naabutan ko pa si Sandro sa gilid ng paaralan. Kasalukuyan niyang tinatanggal ang tali ng stallion sa railing.

"Sandro..." Tawag ko sa kanya. He glanced at me shortly and back to untying the rope again. He faced me as soon as he untied it. Oh, god. It's been a long time since I got this near to him. Nakakapanibago. Nakakakaba.

"Bakit narito ka pa?" Sumulyap siya sa kanyang wrist watch, "Kanina pa uwian ng mga senior high, ah."

I bit my lower lip. "Nanatili muna kami ng group mates ko sa field to brainstorm for our Research subject." I paused and looked at him sympathetically, "Uh... n-nakikiramay ako sa pagkawala ng lolo mo. Sorry I knew it late."

Tumango lang siya. He bowed his head for a long second before having his eyes back on me again. Hindi ko mabasa ang emosyon na rumihestro dito.

"Siguro ay... hihinto muna ako sa pag-aaral, Lucy."

Napakurap-kurap ako. "W-what? Why?I mean..." I struggled to find a word, "This is all of a sudden, Sandro. Dapat pinag-isipan mo 'tong mabuti."

"Malaki na ang pagkaka-utang namin ni Lola dahil sa dialysis ng Lolo. Babayaran ko muna lahat ng 'yon bago bumalik sa pag-aaral."

Walang himig ng panunumbat o pangungwenta ang tinig niya, it was determination that I heard. Pero ang namumungay niyang mata ay parang nanghihingi ng tawad sa'kin at hindi ko alam kung bakit o para saan.

"D-do you want me to help you? My family could help you!" It sounded like I was convincing him rather than offering a help. I don't want him to give up his studies dahil alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang bagay na 'yon.

He smiled tightly and shook his head. "Salamat pero hindi na, Señorita." He sighed heavily, "Maging ang lola ay tutol din pero buo na desisyon kong huminto muna at mag trabaho."

Kinagat ko ang ibabang labi. I felt like crying. "Where would you w-work?"

"Gusto kong lumawas ng Maynila para don na magtrabaho. Malaki ang sahod don pero hindi ko naman puwedeng iwan ang Lola dito mag-isa. Kaya sa bayan lang ako maghahanap ng trabaho."

"H-hindi ka na ba pupunta sa plantasyon? A-anong trabaho naman ang papasukin mo?" Sunod-sunod kong tanong sa mahina at basag na boses.

"Kahit anong matino. Atsaka... gaya ng dati, mag tra-trabaho pa rin ako sa plantasyon."

"I could... I could ask Kuya Adam na lakihan ang suweldo mo."

His jaw tightened. "Don't ever do that, Luzeda."

"Pero hihinto ka sa pag-aaral, Sandro!" I snapped. A tear escaped my eyes, "And I know how much you value your studies so please accept my help!"

His sharp eyes softened. "Makakabalik muli ako sa pag-aaral sa sarili kong sikap, Lucy. Pinapangako ko 'yan sa'yo."

Five O'clock Sky (Nueva Caceres#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon