CHAPTER 40

122 4 4
                                        

Warning!
Explicit words ahead.

--


CHAPTER 40: A Good Cry

Punto de Vista: Luzeda Xiamara

"Where are the people here, Yvette?" Tanong ko sa nakasalubong na katulong sa dining room. "I couldn't find Mom and Dad. Pati na rin sina Kuya Adam. I thought they arrived already?"

"Eh, S-senyorita, kasi..." Kumunot ang aking noo sa pagiging kabado at aligaga nito.

"Why? May nangyari ba habang wala ako?"

"S-senyorita kasi... si... si Thiago hindi po namin m-makita. Nasa... nasa security room po ang Daddy nyo para tingnan daw ho 'yong CCTV."

"What?!"

Nalilito man ay tumakbo ako paakyat ng security room. And there I found all of them.

"D-dad, anong... anong sinasabi ni Yvette na hindi niyo mahanap si Thiago? I- I was just talking to him on the phone awhile ago!"

Lahat ng atensyon nila ay napunta sa'kin. Mom was quick to approach me and held my shoulder.

"Calm down, okay? We already know where to find him."

I took a deep breath to calm myself down. "Ano ba kasing nangyari, Mom? Kausap ko lang si Thiago sa phone kinana, ah."

"I'm sorry, Lucy. It was my fault." Celine took a step forward. May bakas ng luha sa mga mata niya. Halatang kagagaling sa pag-iyak. "We were just playing hide and seek. It took me too long to realize that he was missing, for real. I'm sorry."

"Hey, I told you it's not your fault, okay?" Pagpapagaan loob ni Adam na nasa likod ng esposa. Kapagkuwa'y binaling sa'kin ang tingin. "Thiago hid under the seat of the golf cart, Lucy. Na siyang ginamit rin ni Kaloy patungong plantasyon para maghatid ng meryenda sa mga magsasaka. Kaya hindi siya mahanap ni Celine."

"Paniguradong nasa loob lang ng hacienda si Thiago, Lucy." Ani Dad na siyang pinakakalmado sa lahat. "May mga tauhan na akong naglilibot ngayon sa buong hacienda."

I raised an eyebrow when I saw amusement in his eyes. "What do you find amusing in this situation, Dad?"

"Nah," He chuckled. "I just remembered that when you were on your child's age, napakahilig mong takasan ang bantay mo. Hindi magkaundagaga ang mga tao sa mansyon sa paghahanap sa'yo. Now you know what your Mom and I were feeling."

Realizing what Dad meant, Mom laughed. Nakangisi rin sa'kin ang dalawa kong kapatid. Napasimangot ako. Karma ko na ba ito sa pagiging maligalig noong kabataan? What a taste of my own medicine.

"Whatever, Dad." I rolled my eyes annoyingly and turned my back. "I'm finding my son."

Nauna akong lumabas ng security room. But not after giving Celine a tap on the shoulder to let her know that I'm not mad. There's really no one to blame anyway. Talagang umandar lang ang pagkamaligalig ng anak ko.

Ang kaba at hysteria na naramdaman ko kanina ay wala na dahil kampante akong nasa loob lang ng hacienda si Thiago. At alam kong mapagkakatiwalaan ang lahat ng tao dito.

Five O'clock Sky (Nueva Caceres#1)Where stories live. Discover now