E I G H T

149 5 0
                                    

Kendall's Point Of View

"Kendall. . . Kassy. . . Siya pala si Kyle at Ryle anak ng business partner ng Papa mo." Pakilala ni Mama sa dalawang lalaking kanina pang nakatitig sa amin ni Kassy.

Peke kaming ngumiti ni Kassy sa kanya. Kanina pa ako nang-gigil sa mga 'to. Pasimpleng kinurot ni Kassy ang braso ko kaya nilingon ko siya na lukot na lukot ang mukha, naiinis 'din siguro.

"Ate, Naiinis na ako sa dalawang 'yan ah. Sarap sipain palabas ng bahay." Bulong niya.

I smirked. "Bakit 'di mo gawin?"

"Ngayon na? Sa harapan nila?"

Inikotan ko siya ng mata. Sinenyasan ko si Mama na lalabas lang muna kami bago tumayo at hinila na palabas ng bahay si Kassy.

"Bakit mo naman ako hinila dito sa labas, Ate?" Tanong niya.

"Oh sige, Bumalik ka 'dun sa loob at kausapin mo 'yong dalawang-"

"Hindi na. Dito na lang ako."

Sarap 'ding batukan ang isang 'to. Sumandal kami sa gate.

"Ate, Talaga bang seryoso ka kay Leon?" Kunot-noong tanong niya.

I rolled my eyes. "Tingin mo hahayaan kong makalapit sa akin ang lalaking 'yon kung hindi ako seryoso sa kanya? Mag-isip ka nga." Napasimangot naman siya.

"Oo na, Seryoso ka na sa kanya. Pero, gusto mo lang ba talaga siya-I mean, nararamdaman mo na bang malapit mo na siyang mahalin?"

Napaisip naman ako.

Mahalaga sa akin si Leon kahit palagi akong naiinis sa kanya. Masaya akong kasama siya at napapangiti niya ako.

"Basta ang importante, Mahalaga siya sa akin at ayaw kong mawala siya." Seryosong wika ko.

Namuo naman ang mapang-asar na ngisi sa kanyang labi at sinindot-sindot ang tagiliran ko.

"Si Ate, Pumapag-ibig na." Pang-aasar niya at patuloy sa pag-sindot sa akin.

Tinampal ko ang kamay niya. "Tumigil ka nga, Kassy. Babatukan kita! Parang bata."

"Asus! Kinikilig ka lang-Aray!"

May biglang sumipa sa gate kaya napahiga ang kapatid ko sa sahig. Ako naman ay mabilis na naka-abante kaya hindi natamaan.

"Ay! Sorry."

Bumungad sa amin ang pagmumukha nina Vince at Archer. Anong ginagawa ng mga loko na 'to dito?

Inis na tumayo si Kassy.

"Mga walang hiya kayo!" Pinaghahampas-hampas niya ang dalawa.

"Sandali! Teka! Sandali!"

"Ang sakit kaya ng pwet ko!"

"S-Sandali! Hindi naman namin alam na nakasandal pala kayo sa gate-Aray! Tama na!" Si Vince.

Tumigil naman si Kassy at padabog na tumalikod sa amin. Nilingon ko naman ang dalawa at tinaasan ng kilay.

"Oh kayo? Anong ginagawa niyo dito?" I crossed my arm.

"Dito muna kami matutulog. Wala dito ang parents namin. Nasa Batangas, sayang nga at hindi kami nakasama." Nakasimangot na sagot ni Archer.

"Pumasok na nga lang kayo sa loob. May pagkain pala doon."

"Ayos! Pero teka, Kanino 'tong mga kotseng nasa labas?" Takang tanong ni Vince.

Kinamot ko ang kilay ko.

"Ah, Mga bisita nila Mama." Sagot ko at hinila na sila sa loob.

Pagkapasok namin sa loob ay nakasalubong namin si Mama. Ngumiti siya ng makita ang mga pinsan ko.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now