Kendall's Point Of View"Napoleon! Akin na ang bag ko!"
Wala akong pakealam kung pinagtitinginan na ako ng mga estudyante o guro sa corridor. Kailangan kong mabawi ang bag ko sa Leon na iyon! Humanda talaga siya sa akin!
Nilingon niya ako at nginitian ako ng nakaka-asar. I stomped my feet! Ang bag ko.
Inis kong kinagat ang labi ko ng mawala siya sa paningin ko. Where did he go!? Paano kung hindi niya na talaga ibalik sa akin ang bag ko o di kaya ay makita siya doon na hindi niya dapat makita at ipahiya ako or isumbong ako kina Mama at Papa? No way!
"Kendall!" Boses nina Candice at Mika, my cousins.
Nakasimangot ko silang nilapitan. Inakbayan ako ni Candice. "Anong nangyari? Kanina ka pa hinahanap nila Archer."
I sighed. "Nakita niyo ba ang liyon?" Nagkatinginan naman sila.
"Nasa loob na ng classroom nila. Teka, sayo ba iyong bag na yakap-yakap niya kanina? Bakit nasa kanya?" Usisa ni Mika.
"Hindi ko alam! Bigla-bigla na lang susulpot tapos aagawin at itatakbo bigla ang bag ko! Humanda talaga siya sa akin!"
In-imagine ko agad ang mukha ni Leon at pinagsusuntok-suntok ko raw ito at gusto kong totohanin iyon. Ang sarap siguro sa pakiramdam na masuntok ang lalaking iyon.
"Mamaya mo na patayin sa isip si Leon. Tara na at may klase pa tayo." Anas ni Mika at hinila na nila ako patungong classroom.
Padabog naman akong umupo sa tabi ni Lucas at Yohan. Nakita ko pa silang napatingin sa akin pero hindi ko na sila pinansin.
"Ken, Bakit ka nakabusangot?" Tanong ni Lucas pero hindi ako sumagot.
Inis na inis parin ako ngayon sa Liyon na iyon! Ano na kaya ang ginawa niya sa bag ko?
"Kendall," Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Vince. Pinsan ko 'rin siya kasi Kuya siya nina Entice at Mika. "Heto na ang bag mo. Tinakas ko kay Leon."
Nagliwanag naman ang mukha ko at mabilis na kinuha iyon. "Bakit mo tinakas eh sa akin naman talaga 'to!?"
Ngumiwi siya. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat–"
"Thank you, you can go now." Putol ko sa kanya.
I heard him Tsk.
"Kuya, Libre mo ako mamaya!" Si Mika.
"May utang ka pa saking bata ka." Iyon lang ang sinabi niya bago lumabas.
Binuksan ko naman ang bag ko at hinanap ang diary ko pero hindi ko ito makita. Napagat ako ng labi. Nasaan na iyon!?
"Hindi kaya na kay Leon iyon?" Pabulong na tanong ko sa sarili ko. Hindi pwede.
Mariin akong napapikit at napasabunot sa buhok! Hindi pwede! Hindi pwede!
Papatayin kita Napoleon!
"Ayos ka lang ba, Ken? Bakit mo sinasabunutan ang buhok mo? Naka drugs ka ba?" Si Yohan.
"Tumahimik ka!" Dinuro ko siya.
Napakurap-kurap siya at tumalikod. Marahas akong napabuntong-hininga. Sana pala hindi ko na lang na dinala ang diary ko, tanga ko talaga kahit kailan. Tsk!
Labasan na at kanina pa pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ko. Napabuntong-hininga na lamang ulit ako.
Sinamaan ko ng tingin si Knoxx ng guluhin niya ang buhok ko. Malakas ko siyang pinalo sa braso kaya napadaing ito.
YOU ARE READING
Napoleon Sandoval: I Need Your Love
Novela JuvenilKendall Ashanti Patremor, A fierce and Beautiful lady. Palaban at ayaw na ayaw niya ang may kung sino ang pwede siyang tapak-tapakan dahil hindi niyo gugustuhing magalit siya. Napoleon Sandoval, Gwapo at masamang magalit. He have a soft spot for Ken...