S P E C I A L C H A P T E R

199 6 0
                                    


NAKANGUSO AKONG nakaupo sa couch sa condo. Wala ako ngayon sa bahay namin ng asawa ko dahil naiinis daw siya sa pagmumukha ko. Lumalala na ang pagbubuntis niya lalo na ang mga cravings niya sa pagkain, ang weird. Malaki na rin ang tiyan at ngayong buwan na siya manganganak kaya excited talaga ako.

Napatingin ako kay Riguel ng abutan niya ako ng alak pero tinanggap ko na rin.

"Intindihin mo na lang ang asawa mo. Alam mo namang buntis eh, kung nakapag-antay ka lang siguro hindi ka magkakaganito."

I just smirked. "Wala naman akong pinagsisihan eh. Iintindihin ko na lang ang asawa ko dahil alam kong mahirap din sa kaniya ito lalo na kapag manganganak na siya."

Tumango naman siya.

Napahaba ang usapan namin ni Riguel ng biglang nag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan.

Wifey calling...

"Wife?" bungad ko.

"Leon! Nasaan ka ba?! Shit! Manganganak na ako! Umuwi ka na! Hindi ko na kaya!"

Agad akong napatayo.

"W-What?!" gulat na sabi ko.

"Anong what?! Putangina mo! Bilisan mo dahil lalabas na ang anak natin! Bwisit ka!"

"Oo, wife. P-Papunta na ako! Hold on, okay? Darating na ako just wait for me! Bye!"

Taranta kong pinatay ang tawag at napatingin kay Riguel na naka kunot ang noo.

"Rig, manganganak na si Ken."

Nagulat naman siya. "Eh ano pang ginagawa mo? Tara na at baka hindi na niya makayanan."

Nakasakay ako sa kotse niya habang isip-isip ang asawa ko at ang magiging anak namin. Sana naman ayos lang sila.

Pagkarating namin sa bahay ay nakita ko sina Mama at Papa at inalalayan ni Vince si Kendall na umiiyak at sumisigaw.

"Ah! N-Nasaan na ba si Leon!"

Agad akong lumapit sa kaniya at kinuha siya kay Vince at ako na ang umalalay sa kaniya patungo sa kotse ni Riguel.

"Ma, Pa, sumunod na kayo sa hospital." wika ko sa kanila.

Tumango naman ang mga ito. Pinaandar na ni Riguel ang kotse, ako naman ay todo himas sa malaking tiyan ni Kendall at natataranta na.

Pinunasan ko ang pawis sa noo niya. "Wife, kaunting tiis lang. Darating na tayo sa hospital. Konting tiis lang. Kaya mo yan."

Tumango naman siya kaya hinalikan ko ang namamawis niyang noo at kaniyang tiyan. Pagkarating namin sa wakas sa hospital ay agad siyang dinala sa delivery room.

Gusto ko sanang sumama sa loob kaso hindi ako pinayagan ng pesteng nurse kaya wala akong nagawa kundi ang mag-antay na lang sa labas.

"Leon! Riguel!"

Napatingin kami sa bagong dating. Sina Mama at Papa kasama sina Mommy at ang buong barkada. Bakas din sa mga mukha nila ang pag-alala.

"Si Kendall?" ani Tobi.

I sighed. "Nasa loob na siya ng delivery room."

Napabuntong-hininga naman sila. "Sana naman maging maayos ang panganganak ni Kendall at ng pamangkin namin." saad ni Gladeon.

Sana nga.

Ilang oras din ang inantay namin ng lumabas na sa wakas ang doktor kaya napatayo kami.

"K-Kamusta ang anak ko at ang apo namin?" si Tita Kisses.

The lady doctor smiled. Oo, babae talaga ang kinuha ko na magpapa-anak kay Kendall dahil makakapatay ako kung sakaling lalaki man ang gagawa 'nun.

"Mrs. Sandoval is fine and the babies too. Congratulations, Mr. Sandoval." wika nito.

Natulos ako sa kinatatayuan ko. Narinig ko din ang pag singhap nila sa likuran ko.

"B-Babies?" si Kassy.

"Yes. A healthy girl and a healthy boy." nakangiting sagot ni Doktora kaya ang nangyari...

Nahimatay ako.

"Oh my god, Leon!"


Kendall's Point Of View

Nagising ako ng may narinig akong iyak ng sanggol. Nang magmulat ang mga mata ko ay nilibot ng paningin ko ang paligid. Nasaan ang anak ko?  Ang asawa ko?

"Kendall." nakangiting mukha ni Athena ang bumungad sa akin.

"A-Athena, ang anak namin ni Leon?" taranta na tanong ko sa kaniya.

She smiled. "Parating na ang mga nurse. Makikita mo na din sila."

"Sila? What do you mean?"

"Kambal ang anak mo. Babae at Lalaki." saad ni Hendrix.

Nag tubig ang mga mata ko sa saya na nararamdaman. Nakahinga din ako ng maluwag dahil ayos lang sila.

"Bakit kasi hindi niyo inalam ni Leon ang gender ng anak ninyo?" si Cheska.

"Sabi niya, para surprise daw." nakangiwi kong sabi.

Pero agad na hinanap ng mga mata ko si Leon. Bakit wala siya dito? Diba dapat nandito na ang Liyon na iyon?

"Si Leon?" tanong ko.

Nagkatinginan naman sila at nagsihawi sa harapan ko dahilan para makita ko ang isang lalaking nakahiga sa sofa.

"Anong nangyari diyan?" turo ko sa asawa kong mahimbing ang tulog. Anong nangyari at tulog ang kumag na 'to?

Nagtawanan naman sila. "Nahimatay ng malamang kambal ang anak ninyo." natatawang wika ni Vince.

Napangisi ako.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa doon ang isang babaeng nurse sina Mama, Papa at sina Mommy at Daddy.

"Here's your babies, Mrs. Sandoval." sabi nito bago ibigay sa akin ang mga anak ko.

Nang makaalis na ang nurse ay nagsilapit sila para makita ang mukha ng mga anak ko.

"Gising na ang liyon!" si Knoxx.

Nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Leon ng makitang hawak-hawak ko ang mga anak namin.

"Come here." sabi ko.

Lumapit naman siya at umupo sa gilid ng kama kung saan ako nakasandal at tiningnan ang dalawa naming anak.

"May naisip na ba kayong pangalan sa mga apo namin?" si Daddy.

"Ako may naisip na sa lalaki ko." sabi ko. "Renjun. Renjun ang itatawag natin sa kaniya."

Nilingon ko si Leon.

"Kara Mia o Karma naman sa babae naming anghel. Iyon ang pangalan niya." aniya.

I kissed his cheeks. "Love you."

"I love you more." lambing niya. "Whatever happens, you'll always be my greatest love, babe. Back then, i wished that you'll love me too the way i love you, your love is all i need and look at now, my wish did come true and i am the happiest man alive. I love you and our babies at sa susunod pa nating magiging anak."

E N D. . .♡♡♡

Date Finished: 3/3/21

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now