N I N E T E E N

102 3 0
                                    


Kendall's Point Of View

Asar kong nilingon si Leon na walang ibang ginawa kundi ang kalabitin ako dahil nagpapapansin na naman ang gago. Dahil sa sinabi niya kanina ay luhaang tumakbo iyong si Kath pero hindi man lang naawa ang loko, bagkus ay hinalikan pa talaga ako sa harap ng maraming estudyante.

"Babe, bakit ba hindi mo ako pinapansin? Kagabi ka pa ah, hindi ka na nag-reply sa text ko sayo." hirit na naman niya.

Inis ko siyang tiningnan kaya agad siyang napangisi.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo kanina, ha?! Bakit mo sinabi iyon?!" bulyaw ko.

"Ang alin ba?" bagot na sabi nito.

I gritted my teeth. "Bakit mo sinabing asawa mo ako ha?! Nababaliw ka na ba?!"

Matunog naman siyang ngumisi at hinalikan ako sa pisngi na mas lalo kong ikina-inis.

"About that? Tsk, darating 'din naman tayo diyan, babe. Magpapakasal naman tayo diba at magiging asawa kita–"

"Leon naman! Ayos na kami ng parents ko, tapos kapag nalaman nila ito at naniwala naman sila, mapapahamak tayo!" tinulak ko siya kaya napaatras siya.

He heavily sighed. "Then, kakausapin ko sila. Kakausapin ko sila na kapag graduate na tayo ng collage, magpapakasal tayo sa ayaw at sa gusto nila."

Sa kaseryosohan ng tono niya ay hindi ako makapagsalita. Is he serious? Well, obvious namang seryoso talaga siya pero hindi parin talaga tama na iyon agad ang iniisip niya, masyado pa kaming bata para doon.

"Leon, hindi biro ang kasal–"

"Are you saying that im just joking around?! Damn, Kendall. Seryoso ako, gustong-gusto na kitang pakasalan kahit na bata pa lamang tayo. Pero alam kong hindi ka pa handa para doon pero gusto ko lang itanong..." he look directly in my eyes. "G-Gusto mo rin bang magpakasal sa akin?" may bahid na takot sa kaniyang boses.

Napalabi ako. "O-Oo, Leon. Gusto ko ring magpakasal sayo pero hindi muna–"

Bigla niya lang akong sinunggaban ng halik at mahigpit na niyakap kaya nag-init ang sulok ng mga mata ko.

"I love you, babe. I l-love you so damn much!" he sniffed sign that he is crying too.

Hinalikan ko ang ulo niya.

"Mahal na mahal 'din kita, babe. Tandaan mo yan, Leon." i sniffed.

Hindi ko alam kung ilang minuto ba kaming magkayakap dito sa loob ng classroom. Mabuti na nga lang at walang estudyante dito kaya walang nakakita ng kadramahan namin.

"P-Palagi mo na lang akong pinapaiyak!" singhot niya na parang bata pang nagpupunas ng kaniyang luha.

I wiped my tears too.

"At ako pa ang sinisisi mo?!"

Natawa naman siya at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute talaga ng girlfriend ko. Hehehe."

I made a face.

"Pero hindi ka cute." ani ko.

Umarte naman siya na parang nasasaktan habang nakahawak sa kaniyang dibdib kaya napairap ako.

"Grabe ka naman, babe...sa dami ng babaeng naghahabol sa akin, matatawag mo akong hindi cute?" Madramang aniya.

Tumaas ang gilid ng nguso ko.

"Ewan ko sayo, Napoleon." saad ko. "Dito na lang ba tayo? Hindi ba natin pupuntahan sina Kassy? Baka kasi hinahanap na tayo."

Niyakap niya lang ako.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now