T W E N T Y - T W O

102 3 0
                                    


Kendall's Point Of View

MASAKIT ang ulo ko ng magising ako. Bakit naman kasi may sakit na lagnat? Para tuloy pinupokpok ng martilyo ang ulo ko. Tumayo na ako ngunit agad na napaupo sa kama dahil nakaramdam ako ng hilo. Napasapo ako sa noo ko at mariing napapikit.

Narinig kong bumukas ang pintuan pero hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino iyon dahil talagang masakit ang ulo ko. Napasinghap ako ng may humawak sa kamay ko.

"Babe, are you okay?"

Gusto kong sipain palabas ng kuwarto si Leon. Nakita niya ngang sapo-sapo ko ang noo ko at alam niyang may lagnat ako tapos tatanungin niya ako niyan?

"Nilalagnat nga ako diba? Malamang hindi ako okay!"

Napapikit siya ng suminghal ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.

"Tama nga si Kassy, lumalala nga ang ugali mo kapag nagkakasakit ka." natatawang usal niya. 

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong ibig mong sabihin? Na sobrang sama na ng ugali ko ganun ba?"

He chuckled. "Hindi iyon...'to naman, nagagalit ka agad."

"Tigilan mo nga ako, Leon. Lalong sumasama ang pakiramdam ko."

Inirapan ko siya at tumayo. "Saan ka pupunta, babe?" tanong niya at inalalayan ako.

Nilingon ko siya. "Kakain ako."

"Nakapagluto na si Riguel ng tanghalian, kanina pa." aniya.

My forehead creased.

"Hindi pa ba dumadating sina Mama?" nagtataka kong tanong.

"Hindi pa eh," aniya.

"Eh yung mga hangal?"

"Nasa kusina, kumakain." hinawakan niya ang braso ko. "Kumain na muna tayo."

Tumango naman ako at nagpapa-alalay sa kanya pababa ng hagdan. Naabutan ko ang iba na nasa kusina nga at masayang tumatawa.

"Leon! Ken! Kain na kayo, kanina pa namin kayo inaantay."

Tumango ako kay Cross. "Anong ulam ang niluto mo?" tanong ko kay Riguel.

"Sinagang!" sigaw ni Jandrix at Knoxx at sabay na nagtawanan.

Sumama ang timpla ng mukha ni Riguel at sinamaan ng tingin ang dalawa. "Shut the hell up!"

Naghagikhikan lang sila maging si Leon. Ako naman ay salubong ang kilay na nakatingin sa kanila.

Mga hangal nga talaga. At anong sinagang? Sinigang kaya iyon.

"I cooked abobong manok."

Naibuga nila bigla ang kinain nila at sabay na uminom ng tubig. Ako naman ay naiwan sa ere ang kamay hawak ang kutsara na nakatingin sa kanila.

"F-Fuck you, Riguel! It's adobo, not abobo for pete's sake!" Mura ni Gladeon.

Umirap lang ito.

"Iyong una, sinagang, tapos ngayon naman abobong manok! Ewan ko na talaga sayo, Kuya!" utas ni Lucas.

Nagtawanan naman muli sila.

MATAPOS ang tanghalian namin ay tumambay na muna sila sa bahay hangga't walang pang ala una. Nag message 'din sa akin si Kassy na sa eskwelahan na lang daw siya kakain.

"Lumayo ka nga, Leon...dikit ka ng dikit eh!" napasimangot naman siya at mas lalong dumikit sa akin. "Ano ba!"

"Palambing na muna, babe...aalis na kami eh, kailangan ko ng lambing mo para makasagot ako mamaya." aniya.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now