Kendall's Point Of View"Sa mga oras na 'to, Paniguradong nagkalat na ang mga bantay sa mansyon kaya mag-ingat kayo sa mga iyon." Bulong ni Tobi.
"Eh sa likod?" Tanong ko.
"Meron 'din doon kaya ang mas mabuti nating gawin ay ang patulugin ang mga bantay na iyon para makapasok ka." Wika ni Gladeon.
Nanlaki ang mga mata ko. "Teka! Ako lang? Hindi niyo ako sasamahan?" Pabulong na tanong ko sa kanila.
Hinawakan ako ni Hobi sa balikat. "Oo na, sasamahan ka na namin. Lumalaki na naman ang mga mata mo eh."
Siniko ko ang dibdib niya. "Gago."
Hinatayin mo ako diary, ililigtas kita sa mga kamay ng mabangis na liyon na iyon. Ililigtas kita. Makukuha 'rin kita.
Hindi ko alam kung ano iyong dala-dala nina Tobi at Hobi pero siguro iyon 'yong ipapakain nila doon sa mga bantay para makatulog. Nakita naming nagtaka ang mga ito kaya natampal namin ang aming mga noo. Anong nangyari?
Pero napaawang ang mga bibig namin ng kinain nga ng mga ito ang pagkain na iyon at nakita naming palihim na nag thumbs up sa amin si Tobi. Makukuha ko na ang diary ko!
Napatayo kami ng makita naming unti-unting pumupungay ang mga mata ng mga bantay at tuluyan na ngang nakatulog!
"Let's go." Senyas sa amin ni Chase kaya dali-dali kaming pumasok sa loob ng gate.
Pero agad kaming nagtago ng may nakita kaming dalawang bantay. Ang dami namang bantay rito! Kailangan ba 'to?
"Anong meron at ang dami niyong bantay, Gladeon?" Tanong ni Kassy at tiningnan ito.
Napansin kong pasimpleng iniwas ni Gladeon ang tingin sa kapatid ko at pansin ko 'rin ang pamumula ng tenga niya. Naningkit ang mga mata kong nakatingin sa dalawa.
Gladeon and Kassy? Not bad, kaso off-limits ang kapatid ko kaya pasensya na Gladeon.
"A-Ah, Si Dad kasi talaga ang may gusto nito para daw nasisiguro niyang safe kami lalo na si Mommy habang wala siya." Aniya at dinikit ang braso sa braso ni Kassy.
Napataas ang kilay ko. Pasimple kong hinila sa tabi ko si Kassy.
"Diyan ka lang."
Kahit nagtataka siya ay tumango na lamang. Palihim ko namang tiningnan si Gladeon at pinanlakihan ng mata. Ngumisi lang ang loko at parang bata na nginuso si Kassy sa gilid ko.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oh ayan. . . Pinaalis na nila iyong mga bantay. Sinong sasama kay Kendall sa loob?" Si Cheska.
"Sasama ako." Si Knoxx.
"Ako 'rin." Sina Ningning at Elle.
Hinila ni Archer si Ningning. "Sasama 'din ako."
"Eh bakit kailangan mo pang hilahin ako?" Malditang tanong nito sa kanya.
Ngumuso lang ang loko.
Nilingon ko si Cross. "Hoy, Bantayan mo si Kassy kay Gladeon ha? Sisipain kita kapag–"
"Fine! Magbabanta pa talaga."
Sumenyas na ako sa tatlo na pumasok na sa loob kaya sumunod naman sila sa akin. Kagat-kagat ko ang labi ko habang naglalakad sa madilim na pasilyo ng mansyon.
Nilingon ko sila. "Dito na muna kayo. Ako na ang papasok sa kwarto ni Leon." Tugon ko.
Nagsalubong ang kilay ko ng hawakan ako ni Archer sa balikat.
YOU ARE READING
Napoleon Sandoval: I Need Your Love
Novela JuvenilKendall Ashanti Patremor, A fierce and Beautiful lady. Palaban at ayaw na ayaw niya ang may kung sino ang pwede siyang tapak-tapakan dahil hindi niyo gugustuhing magalit siya. Napoleon Sandoval, Gwapo at masamang magalit. He have a soft spot for Ken...