Napoleon's Point Of View"Leon naman eh! Kakain na ako kaya huwag mo na akong subuan! Kaya ko naman." reklamo ng aking pasyente.
Binaba ko ang plato. "Babe, hayaan mo na akong subuan ka...tandaan mo, may sakit ka kaya aalagaan kita." sabi ko. "Now, nganga."
Sinamaan niya ako ng tingin bago siya ngumanga kaya sinubo ko ang noodles na niluto ko para sa kanya.
"Gusto mo ng tubig?"
She shook her head.
"Kain ka pa." sinubuan ko siya ulit. "Masakit pa ba ang ulo mo?"
"Hmmm, mawawala naman siguro 'to mamaya kung iinom ako ng gamot kaso sasakit na naman kapag magigising ako."
Hinaplos ko ang buhok niya. "Kawawa naman ang baby ko."
"Leon, tubig..." aniya.
Kinuha ko naman iyong hindi malamig na tubig sa baso at pinainom sa kaniya.
Binalik ko ang baso sa mesa. "Kumain ka pa oh," umiling siya.
"Ayaw ko na, gusto ko nang matulog ulit." humiga siya sa kama at nagkumot.
"Teka, you need to take your medicine." usal ko at kinuha ang gamot bago iyon pinainom sa kanya.
Nakasimangot niyang ininom iyon at maagap na ininom ang tubig saka nahiga na sa kama kaya hindi ko mapigilang matawa.
Hinalikan ko ang noo niya.
"Tulog ka muna, maghuhugas lang ako ng pinggan." mahina kong sabi.
She just hummed at me.
Tumayo na ako at lumabas ng kaniyang kuwarto. Pagdating ko sa kusina ay agad kong hinugasan ang pinagkainan ni Kendall. Hinugasan ko na rin ang mga pinaglutuan ko ng noodles.
When the doorbell rang, mabilis kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang nagdeliver ng pizza na in-order ko, nagutom kasi ako.
"Here's your pizza order, sir."
"Thanks, bro."
"Welcome, sir."
I closed the door. Nilapag ko ang pizza sa mesa at kumuha ng tubig. Bago ako kumain ay umakyat na muna ako sa kuwarto ni Ken para i-check siya, napangiti ako ng marinig ko siyang humilik.
Bumalik ako sa kusina. Sumubo ako ng pizza, natigilan lang ako ng nag-vibrate ang cellphone ko.
I licked my lips.
Kassy calling...
"Oh, sister-in-law?"
"Tse! Tumawag ako para kamustahin ang lagay ni ate? Okay lang ba siya?"
Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya kaya napabuntong-hininga ako.
"Medyo bumaba na ang lagnat niya, napakain ko na rin siya ng agahan at natutulog na siya ngayon." sagot ko.
"Hay, 'buti na lang at nandiyan ka, Leon...alagaan mo ng mabuti ha? Alagaan mo lang."
I rolled my eyes.
"I'll end the call."
"Okaaayyyy!"
Pagkatapos kong maubos ang pizza ay pumasok ako sa kuwarto ni Ken. Mahimbing parin siyang natutulog, hinipo ko ang noo niya at medyo mainit pa ito.
Ano ba kasing ginawa niya para lagnatin siya? Mag-iingat naman sana siya sa susunod.
I get the thermometer and put it in her armpit. Nagulat pa ako ng makita ko siyang natawa, may kiliti ba siya sa kili-kili?
YOU ARE READING
Napoleon Sandoval: I Need Your Love
Novela JuvenilKendall Ashanti Patremor, A fierce and Beautiful lady. Palaban at ayaw na ayaw niya ang may kung sino ang pwede siyang tapak-tapakan dahil hindi niyo gugustuhing magalit siya. Napoleon Sandoval, Gwapo at masamang magalit. He have a soft spot for Ken...