T W E N T Y - S E V E N

129 4 0
                                    


Napoleon's Point Of View

NAKANGITING NAKATITIG Ako sa natutulog na si Kendall. Alam kong lasing ako ng may mangyari sa amin kagabi pero nasa tama naman akong huwisyo kaya sobrang saya ko ng ibigay niya sa akin ang sarili niya at naibigay ko rin sa kaniya ang sarili ko.

Kung virgin siya, virgin din ako 'no. Never akong nakipagtalik sa ibang babae at hinding-hindi ko gagawin iyon dahil alam kong may babaeng nakalaan na para sa akin at ang babaeng iyon ay nasa tabi ko na.

May biglang kumatok kaya maingat akong bumangon at sinuot ang boxer ko saka binuksan ang pintuan.

"Kuya, nasaan si Ken–Fucking hell!" mura bigla ni Tobi ng makita si Ken sa kama ko.

Mabilis ko naman siyang tinulak palabas at sinara ang pinto sa loob saka kamot-batok na tiningnan si Tobi.

"Y-You and Kendall...nag ano kayo?! Like nag sex–"

"It's making love!" i hissed.

"Whatevah! Pero Kuya naman, malapit na kayong ikasal oh, tapos ginawa niyo agad 'to? Paano na lang kung mabuntis siya and worst, malaman nila Daddy at ni Tito Connor? Paniguradong malalagot ka!"

I heavily sighed. "H-Hindi naman siguro. Kung mabubuntis man siya, hindi naman agad lalaki yong tiyan niya."

Umirap siya. "Ewan ko sayo! Kapatid ba talaga kita? Hindi ka nag-iisip eh." asar na sumbat niya sa akin.

"Bahala ka, magtataka talaga sila kapag hindi makatayo ng maayos ngayon si Kendall."

Tumalikod na siya at iniwan akong nakatayo sa labas.

Tsk. Eh ano naman ngayon kung mabuntis ko si Kendall? Pananagutan ko naman siya at ikakasal na din naman kami.

Biglang pumasok sa isipan ko si Kendall na mabilog na ang tiyan at matamis na nakangiti sa akin.

Bigla akong nataranta ng makarinig ako ng kalabog sa loob ng kuwarto kaya madali kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang galit na mukha ng fiancé ko!

"G-Good morning, babe." utal na bati ko sa kaniya.

"Ugh! Tingnan mo ang ginawa mo! Ang sakit ng ano ko! Yawa ka!" mura niya sa akin.

I pouted. "B-Babe naman...huwag ka nang magalit diyan. Ginusto mo din naman–Aray naman!"

Binato niya ako ng unan!

"Tarantado–tulungan mo akong tumayo dito!"

Agad ko naman siyang inalalayan patayo dahil alam kong masakit talaga ang gitna niya at hindi niya kayang makatayo ng siya lang.

"Liliguan na muna kita–"

"Anong liliguan ka diyan?! Ako! Ako ang magpapaligo sa sarili ko. Anak ng, gusto mo pa atang makaisa ah?"

Pinandilatan niya ako ng mata bago dahan-dahang pumasok ng banyo. Arte naman nito, nakita ko na't lahat-lahat tapos aayaw pa siya?

Kumuha na lang ako ng mga damit niya sa kuwarto nila tapos ay maayos kong nilagay sa kama at inantay siyang lumabas.

Maya-maya pa ay bigla siyang sumigaw kaya napatayo ako.

"Babe! Akin na muna ang tuwalya!" aniya.

Kinuha ko naman ang pink towel na nasa sofa saka dahan-dahang binuksan ang sliding door ng banyo.

"Babe, ito na–"

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tinago ang katawan sa tubig na puno ng bula kaya napangisi ako.

"Don't smile! You're creepy!"

Sumimangot ako.

"Lumabas ka na nga at magbabanlaw na ako! Layas na!" asik niya.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now