Chapter Seven

13.4K 362 14
                                    

"PUMAYAG ka na lang na makasal kayo ni Akiko, Anak," wika ni Emelia kay Hanzen habang nasa kusina sila.

Lalo lamang nainis si Hanzen. "'Ma, hanggang ngayon ba naman natatakot pa rin kayo kay Lolo? Hindi ko gusto si Akiko, 'Ma at lalong hindi ko pipilitin ang sarili ko na makasal sa kanya," giit niya.

"Paano ang Lolo mo? Magagalit siya sa iyo."

"I don't care, Ma! Hindi niya madidiktahan ang puso ko. Tumigas lalo ang puso ko dahil sa kanya. Lahat ng gusto niya sinunod ko pero hindi na ngayon. Kahit pa sabihin niyang wala akong utang na loob. Sila ang may gusto nito. Hindi ako ang nagmakaawa para kupkupin ako. Kung tutuusin may mga magulang pa ako. Nariyan pa kayo ni Papa."

Tila nabikig na ang lalamunan ng Ginang. Mamasa-masa na ang pisngi nito buhat sa luha.

"Hindi ko naman kayo sinisisi ni Papa, 'Ma, kung bakit nakakulong ako sa batas ni Lolo. Alam ko wala din kayong choice. Siguro panahon na para ako ang maglalagay sa tama nitong sitwasyon natin. Alam ko walang legal na papel na nagsasabing ampon ako nina lolo. At kung ipagpipilitan niya na pakasalan ko si Akiko—hindi ako mag-aatubiling ungkatin ang kasunduan ninyo na walang basbas ng korte," matatag na sabi niya.

Tumitig sa mukha niya ang ginanag na may takot. "Huwag mong gagawin 'yan, anak. Lalong masisira ang relasyon ng Lolo mo at ng Papa mo. Mahal na mahal ng Papa mo ang lolo mo kaya hanggat maari ay huwag kang gagawa ng hakbang na ikasasama rin ng loob ng papa mo. Matagal na panahon ding inasam ng papa mo na mapatawad siya ng lolo mo kaya sana huwag mong sirain iyon," nababahalang pahayag ng ginang.

Bumuntong-hininga siya. "Hindi naman makatarungan iyon, 'Ma. Hindi habang buhay magpapatali tayo kay Lolo. Kung hindi n'yo kayang pumiksi, ako ang gagawa nang matapos na ang kahibangang ito," mahinahong wika niya.

Mabilis na kinabig ng ginang ang braso niya dahilan upang hindi siya matuloy sa paghakbang. "Pag-uusapan namin ito ng papa mo, Anak. Bukas makalawa ay darating sa Maynila ang lolo mo mula sa Subic. Mag-uusap-usap tayo," wika nito.

Hindi na siya umimik. Mamaya'y dinampot na niya ang cellphone niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Aalis na kami. Salamat sa tanghalian," aniya saka lumisan.

"Tara na," sabi niya kay Anniza nang datnan niya ito sa sala.

Tumayo naman ang dalaga at tila ayaw pang umalis. "Teka, hindi pa ako nagpapaalam sa mama mo," anito.

"Ipinagpaalam na kita," aniya.               

Nang hindi pa rin ito kumikilos ay hinawakan na niya ang kaliwang kamay nito at iginiya na ito palabas ng bahay. Kusa na rin itong sumakay ng kotse. Sumakay na rin siya at dagling binuhay ang makina ng kotse saka nagmaniobra.

Hindi na sila dumaan sa hotel ni Mr. Chan. Dumiretso na sila sa Maynila baka abutin pa sila ng gabi. Ayaw na rin niyang mag-report sa site. Pakiramdam kasi niya'y pagod na pagod siya.

"May kukunin ka pa ba sa site?" pagkuwa'y tanong niya kay Anniza nang palabas na sila ng Bulacan.

"Wala na," tugon naman nito.

"Saan kita ibababa?" tanong niya.

Matagal bago sumagot ang dalaga. "S-sa SM MOA na lang," anito.

"Anong gagawin mo doon?" wala sa loob na tanong niya.

Hindi man niya sinasadya ay kusang dumapo ang paningin niya sa mapipintog nitong mga hita na bakat na bakat sa suot nitong fited jeans. Mahahaba ang biyas nito at maganda ang pagkakahubog ng mga hita nito. Pagkuwa'y umangat ang tingin niya sa dibdib nito. Hindi naman iyon ganoon ka-lusog pares sa ibang babae pero buhay na buhay iyon saloob ng manipis na blusa nito.

Bartenders Series 7: Cordials (Complete) UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon