MAKALIPAS ang isang taon, napaiyak si Anniza nang malamang ikakasal na ang ate niya. Naiinggit siya dahil almost perfect ang love life nito kung ikukumpara sa kanya. First boyfriend nito si Eric at wala pa siyang naririnig na matinding away ng dalawa.
Umabot ng limang taon ang relasyon ng mga ito bago napagpasyahan ang pagpapakasal. Pero masaya na rin siya sa buhay niya dahil sa wakas ay pumayag na ang Papa niya na pasukin niya ang fashion industry. Nagtatrabaho pa rin naman siya bilang Architect.
Sa kasalukuyang dinadaos ang engagement party nina Eric at Arian sa hotel na pag-aari ng pamilya ni Eric sa Pasay. Kasama niya ang mga co-model at mga kaibigan ni Arian. Matapos ang ilang seremonya ay nilapitan siya ng nagniningning na si Arian suot ang magarang evening gown na kulay pula.
"Sis, this is it!" naiiyak na sabi ni Arian at nagyakap silang dalawa.
Nauna pang tumulo ang luha niya. "Iiwan mo na talaga ako, Ate?" aniya.
"Ano ka ba? Wala pa ngang kasal, e."
"Anong feelings?" natatawang tanong niya.
"Masaya, sobra. Hindi ko maipaliwanag. Kaya ikaw, sagutin mo na si Prince," anito.
Napalis ang ngiti niya. Pinipilit na naman nito sa kanya ang pekeng prinsepe na isa sa may magandang mukha ngayon sa larangan ng pagmomodelo. Masyadong mayaman si Prince, masyadong guwapo, masyadong mabait, masyadong masakit din sa ulo kapag nagkataon.
Tumawa siya. "Ayaw ko sa isang prinsepe, ate. Okay na sa akin ang kawal sa palasyo," biro niya.
Humalakhak si Arian. "Alam mo, kailangan na talaga nating kumain. Join ka na sa table namin nila Eric," pagkuwa'y wika ni Arian.
"Mamaya na ako kakain, Ate," aniya.
"Naku, masyado kang nagpapa-sexy, e, malapit ka nang magbuto't-balat," anito.
"Naku, effortless ang pagpapa-sexy ko, no," aniya.
"Effortless nga dahil sa depress kaya ka sumiksi lalo."
Hindi na niya nagawang ngumiti nang banggitin ni Arian ang minsang depresyon na naranasan niya. Matagal na panahon rin bago siya naka-recover sa nangyari sa kanila ni Hanzen. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang puso niya sa tuwing maiisip ang binata.
Masyadong maikli ang isang taon para tuluyan siyang makalimot. Pero itinatak niya sa isip niya na wala na si Hanzen; ikinasal na iyon sa iba at malamang may anak na iyon. Panahon na rin siguro para magkaroon na rin siya ng seryosong relasyon.
Dumating pa ang panahon na natukso siyang tanggapin ang panliligaw ni Gerald, pero lalo lamang niyang naiisip si Hanzen. Hanggang ngayon ay kaibigan pa rin naman niya si Gerald at nakalimutan na ang feelings sa kanya. Nagkaroon na rin ito ng kasintahan na isa sa mga kaibigan niya sa fashion industry.
Marami siyang manliligaw pero wala siyang napupusuan. Nagsawa na rin siya sa mga guwapo at mayayamang lalaki. Sa trabaho na lamang niya naibuhos ang lahat ng oras niya.
Kumakain na ang mga panauhin pero si Anniza ay hindi mapakali na palakad-lakad. Hanggang sa masipat niya si Martin kasama si Engr. Duellas. Ninong nga pala sa magiging kasal ni Arian si Engr. Duellas at imbitado ang pamilya nito.
Bihira din ang pagkakataon na nakakausap niya si Martin. Tila nagkalamat na rin ang samahan nila magbuhat nang umalis si Hanzen. Si Andrew naman ay bihira na niyang nakikita. Nabalitaan na lamang niya na ikinasal na rin si Andrew sa nobya nitong si Catharina.
Namimis niya ang samahan nila noon. Namimis niya ang kakulitan ng tatlong barako kahit mga seryosong tao. At higit sa lahat—namimis niya si Hanzen—ang pan-aasar at panunuya nito sa kanya. Hindi niya namamalayan na tumutulo na ang luha niya habang mag-isa siyang nakaluklok sa inakupa niyang mesa at nakatanaw sa mga nagsasayawan.
BINABASA MO ANG
Bartenders Series 7: Cordials (Complete) Unedited
RomanceJapanese-Filipino, ipinanganak sa Pilipinas ngunit namulat sa batas ng mga ninunong Hapón. Seryoso, prangka, sarkastiko at mahilig mam-bully ng mga babae. Sadista sa salita ngunit malambing sa gawa. Mataas ang pride. Mahilig siya sa Asian at Organic...