DALAWANG linggo nang nagtatrabaho si Anniza sa construction site at aminado siyang nahihirapan pa rin siyang mag-adjust lalo na sa mga kasama niya sa trabaho. May ilan kasi na sadyang mailap sa kanya. Medyo okay na sa kanya si Andrew, si Martin at si Gerald. Si Hanzen lang talaga ang medyo nahihirapan siyang espilingin ang ugali.
Pagsapit ng tanghalian ay pumunta na siya sa canteen para kumain. Hindi niya inaasahan na madadatnan niya roon ang tatlong barako. Ngayon lamang siya nagtaka bakit madalas magkasama sina Andrew, Martin at Hanzen. Naisip niya na baka may ibang grupo pang kinabibilangan ang mga ito maliban sa magkatrabaho at nasa iisang industriya. Hanga siya sa ganda ng samahan ng mga ito.
Nag-order na siya ng pagkain niya at naghanap siya ng bakanteng mesa na malayo sa puwesto ng tatlo. Tahimik siyang kumakain nang makita niya si Gerald na papalapit sa kanya dala ang pagkain nito. Okay na rin kisa magmukha siyang ewan na kumakain mag-isa habang pinagtitinginan ng ibang kumakain. Malimit lamang kasi ang babae sa kompanya nila at hindi naman kumakain sa canteen ang ilang staff na babae.
Gusto niyang ipakita sa iba na hindi siya mailap. Gusto niya ng kaibigan kahit pa mga lalaki o matatanda. Palaging out of town ang Papa niya kaya wala siyang choice kundi makihalubilo ng sapilitan sa mga katrabaho niya. Gusto rin niyang magtrabaho sa ibang lugar at magkakontrata sa isang malaking proyekto. Matagal pa naman ang sinsabi ni Engr. Duellas na Batangas project.
“Palagi ka na lang nag-iisa,” wika ni Gerald nang makaupo na ito sa katapat niyang silya.
“Hindi ko naman gustong mag-isa, Gerald, e. Siguro bitter lang talaga ako,” aniya.
“Bitter saan?” kunot-noong tanong nito.
“Sa kaibigan. Hindi naman ako mapili or wala lang sa lugar na ito ang taong nababagay na pakisamahan ako,” malungkot na sabi niya. Hindi na siya nahihiyang magkumpisal kay Gerald. Nakikinig naman ito sa kanya.
“Bakit mo naman nasabi ‘yan? Busy lang ang mga tao rito at siyempre, babae ka at medyo walang ka-level ang edad mo. Naiilang din siguro ang ibang lalaki na lapitan ka. Maraming binata dito, hindi lang ako,” ani Gerald.
Tumingin siya sa ulam nito. Mahilig ito sa pork. Noong nasa party kasi sila ng parents niya ay panay ang kain nito ng litson at matatabang parte pa. Hindi naman ito mataba, katunayan ay maganda ang pangangatawan nito. Maaring mabilis lang talaga ang metabolism nito. Marami ito kung kumain at malakas din ito sa kanin. May mga tao talagang ganoon.
Nauumay siya sa tuwing nakakakita siya ng taba ng baboy na nagmamantika pa at gagalaw-galaw. Ew! Pork tenderloin o serloin lang ang kaya niyang kainin sa parte ng baboy at ang luto ay steak. Ayaw niya ng may sabaw, like sinigang o nilaga. Okay na sa kanya ang may sarsa basta huwag maasim.
Tila bigla siyang nawalan ng gana nang makita ang taba ng baboy na pinapapak ni Gerald mula sa ulam nitong pork humba. Saging lang ata ang kaya niyang kainin sa uri ng ulam na iyon.
Hindi man niya sinasadya—nabaling ang paningin niya sa puwesto nila Hanzen. Hindi niya akalaing nakatingin din pala sa kanila ang mga ito. Biglang uminit ang mukha niya. Kung hindi siya nagkakamali—pinag-uusapan sila ng mga ito.
Aba, loko ‘tong mag ito a, sa loob-loob niya.
Ganoon din ang pag-ilag ng tingin ng tatlong mokong. Masyadong hantad ang mga ito. Mariing nagtagis ang bagang niya. Tumingin siyang muli sa pagkain niya. Malamig na ang kanin niya maging ang Adobong manok na ulam niya. Matatapos na ring kumain si Gerald.
“Bakit hindi ka na kumakain?” tanong ni Gerald habang may laman ang bibig.
“Parang bigla akong nabusog,” aniya.
BINABASA MO ANG
Bartenders Series 7: Cordials (Complete) Unedited
RomantizmJapanese-Filipino, ipinanganak sa Pilipinas ngunit namulat sa batas ng mga ninunong Hapón. Seryoso, prangka, sarkastiko at mahilig mam-bully ng mga babae. Sadista sa salita ngunit malambing sa gawa. Mataas ang pride. Mahilig siya sa Asian at Organic...