HINDI gusto ni Anniza Montales ang tinapos na kurso. Wala sa plano niya ang maging Architect. Gusto niyang maging modelo pares ng ate niya. Ngunit dahil wala siyang kapatid na lalaki, siya ang pinilit ng papa niya na sundan ang yapak nito.
Ipinasok siya nito sa Construction site na pag-aari ng kaibigan nito. Hindi niya inseryoso ang trabaho niya. Ngunit nang makilala niya ang Engineer na walang ginawa kundi pintasan ang trabaho niya ay bigla siyang nagpursige na paghusayan at paglaanan ng panahon ang trabaho niya.
Si Engr. Hanzen Kurama—unang pagkikita pa lamang nila ng lalaki ay sinusungitan na siya, minamaliit ang kakayahan niya at ipinamukha sa kanya na wala siyang karapatang maging Architect. Nainsulto siya sa sinabi nitong… “Dapat Miss Universe Crown ang ipinatong sa ulo mo hindi safety cap. Wala ka namang ginawa kundi rumampa, e. Mag-audition ka kaya baka suportahan pa kita…”
Nagtanim siya ng poot sa lalaki, ngunit bakit sa halip na mainis ay tila kinikilig siya sa tuwing nagsusungit ito sa kanya? Magagawa kaya niyang paamuhin ang puso nitong kasing ilap ng tigre?
BINABASA MO ANG
Bartenders Series 7: Cordials (Complete) Unedited
RomantiekJapanese-Filipino, ipinanganak sa Pilipinas ngunit namulat sa batas ng mga ninunong Hapón. Seryoso, prangka, sarkastiko at mahilig mam-bully ng mga babae. Sadista sa salita ngunit malambing sa gawa. Mataas ang pride. Mahilig siya sa Asian at Organic...