ISANG buwan nang nasa Batangas sila Anniza. Si Martin at Gerald na lamang ang kasama niya dahil si Gin ay umuwi rin ng Maynila. Nalaman niya mula kay Martin na nag-file pala ng three months leave si Hanzen. Ilang araw na ring hindi siya nakakatulog ng maayos.
Nang Linggo ng umaga ay nasurpresa siya nang makita si Hanzen sa Villa at kausap ni Martin. Malaki ang ipiniyat ni Hanzen at mukhang pasan nito ang langit. Namimis niya ito ng sobra.
Wala siyang ideya kung bakit naroroon ito samantalang ikinansila nito ang isang taong kontrata nito sa proyekto nila. Kagagaling lamang niya sa dagat at naligo kasama ang ilang staff ng resort. Hindi siya napansin ni Hanzen nang dumaan siya sa likuran ng mga ito.
Pagkatapos niyang maligo at makapagbihis ay dumiretso na siya sa kusina at nagluto ng tanghalian nila. Abala siya sa pagbabalat ng patatas nang maramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Awtomatiko'y naibaling niya ang tingin sa kabubukas na pinto.
Bigla na lamang tumulin ang tibok ng puso niya nang makita si Hanzen. Napakaseryoso nito, tipong maiilang siyang kausapin ito. Nagpatuloy siya sa pagbabalat ng patatas habang nakaupo sa harap ng hapag-kainan.
Mayamaya'y umupo ito sa katapat niyang silya. "Kumusta ka?" tanong nito.
"Okay lang. Ikaw? Kumusta pala ang Papa mo?" pagkuwa'y tanong niya.
"Okay lang ako. Si Papa, may liver cancer siya," diretsong sabi nito.
Natigilan siya. Matiim na tumitig siya sa mga mata nito. Akala niya ay karaniwang karamdaman lamang ang sakit ng Papa nito. Kaya pala ganoon na lamang ang pangayayat nito. Hindi biro ang problema nito.
"A-anong sabi ng doktor?" tanong niya.
"Kailangan ni Papa ng liver transplant para tuluyan siyang gumaling. Nasa stage two na ang cancer niya," anito.
Hindi siya nakaimik. Kinikilabutan siya. Wala man siya sa sitwasyon ni Hanzen pero ramdam niya ang hirap ng kalooban nito. May kung anong kumurot sa puso niya.
Tumayo na siya at hinugasan muli ang binalatan niyang patatas saka iyon hiniwa sa apat. Magluluto siya ng pininyahang manok. Hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Hanzen. Mamaya'y tumayo ito at tinulungan siya sa pagluluto.
"Bakit pala pumunta ka pa dito? Hindi ba dapat binabantayan mo ang Papa mo," aniya habang nagsasangkutsa ng bawang.
Si Hanzen naman ay binubuksan ang nasa lata na pineapple chunk. "Babalik din ako mamaya sa Maynila," tugon nito.
"May naiwan ka pa bang gamit?" tanong niya. Hinulog na niya sa kawali ang mga hiniwang karne ng manok.
"Wala. Namimis lang kita," anito.
Naibaling niya ang tingin sa binata. Hindi ito tumitingin sa kanya. Sinasalin nito sa baso ang juice ng pinya. Sa halip na matuwa ay tila bahagyang kumirot ang puso niya, iniisip niya ang sitwasyon nito.
"Kung ako sa sitwasyon mo, hindi ko kakayaning mawala kahit sandali sa tabi ng Papa mo," pagkuwa'y sabi niya.
"Lalaki ako, Anniza. Hindi kasing pusok ng puso mo ang puso ko. Hindi ko kayang nakikita na naghihirap ang mahal ko sa buhay. Hindi ko kayang iluha kung ano ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko ng taong aalo sa akin at magpapagaan sa bigat na nararamdaman ko," seryosong pahayag nito.
"Wala akong kakayahang pagaanin ang loob mo, Hanzen. Hindi kasi ako sanay na nadadarang sa problema, lumaki ako sa masyang pamilya at walang hinanakit sa puso, kaya hindi ko alam kung paano mahimasukan sa sitwasyon mo," sabi niya.
"Hindi mo kailangang mag-effort, Anniza. Makita lang kita ay gumagaan ang loob ko. Gusto lang talaga kitang makita kaya ako nandito."
Tinakpan na niya ang niluluto at hinayaang lumambot ang karne ng manok. Pagkuwa'y lumapit siya sa lababo at sana'y maghuhugas ng kamay ngunit mabilis na ginagap ni Hanzen ang kamay niya. Kunot-noong tinitigan niya ito sa ma mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/33873758-288-k110359.jpg)
BINABASA MO ANG
Bartenders Series 7: Cordials (Complete) Unedited
Roman d'amourJapanese-Filipino, ipinanganak sa Pilipinas ngunit namulat sa batas ng mga ninunong Hapón. Seryoso, prangka, sarkastiko at mahilig mam-bully ng mga babae. Sadista sa salita ngunit malambing sa gawa. Mataas ang pride. Mahilig siya sa Asian at Organic...