Chapter Nine

13.1K 360 6
                                    

ALAS-ONSE na ng gabi pero nasa lobby pa rin si Anniza at nagbabasa ng manual ng mga machine na ginagamit nila sa construction. Tulog na ang mga kasama niya maliban kay Hanzen na umalis kaninang alas-newebe at hindi pa nakakabalik.

Nang bumigat ang talukap ng mga mata niya ay tumayo siya at naglakad-lakad sa hardin. Malamig ang simoy ng hangin na nagmumula sa karagatan. Bumuntong-hininga siya habang nakatayo sa lilim ng puno ng palm tree.

"Bakit gising ka pa?"

Napakislot siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon buhat sa likuran niya. Awtomatiko'y hinarap niya ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Ganoon na lamang ang tulin ng tibok ng puso niya nang makita si Hanzen.

Nakasuot ito ng itim na jagging pants at itim na jacket. Mukhang galing ito sa tabing dagat. Hindi niya inaasahan na papansinin pa siya nito. Napakaseryoso nito. Maliwanag ang buwan kaya kitang-kita niya ang hitsura nito.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" muling tanong nito.

"Ahm, hindi pa ako inaantok," tugon lamang niya.

"Wala ka namang pinagpupuyatan," anito.

"Hindi nga ako makatulog," naiiritang sabi niya.

"Bakit?"

"Kailangan bang sabihin ko pa sa iyo kung bakit?" masungit na saad niya sabay bira ng talikod.

Nararamdaman niya ang yabag nito na papalapit sa kanya. Nararamdaman rin niya ang init ng enerhiya na nagmumula sa katawan nito. Hindi lamang niya matantiya kung gaano na ito kalapit sa kanya. Nadama na lamang niya ang pagwawala ng puso niya. Hindi niya napigil ang agarang pagkabog ng dibdib niya.

"Akala ko ba'y hindi mo gusto si Gerald," mamaya'y wika nito.

Natigilan siya. Hindi niya alam kung anong esperitu ang sumapi sa kanya at naisipan niyang sakyan ang panunukso ni Brandy—at sinabi na sinagot na niya si Gerald.

"Wala naman akong nakitang masama kay Gerald. So I decided to give him a chance. Hindi siya mahirap mahalin," pagsisinungaling niya pero hindi niya hinaharap si Hanzen.

"Seryoso ka?" tanong nito.

"Seryoso ako," matatag na sagot niya.

"Hindi na magbabago ang isip mo?"

Matagal siyang nag-isip ng isasagot. "Wala namang dahilan para baguhin ko ang isip ko. Mas mainam na 'yong piliin ko ang lalaking nagmamahal sa akin kisa sa lalaking gusto ko pero hindi ako mahal. Ayaw kong masaktan kaya sisiguraduhin kong mahal ako ng lalaking pipiliin ko," aniya.

"Mahal din naman kita, a."

Pumanting ang tenga niya; uminit ang buong katawan niya. Ang puso niya ay tila luluwa na sa dibdib niya. Malaking apoy ang katagang binitawan nito na sa isang iglap ay unti-unting tumutupok sa damdamin niya—upang gisingin ang natutulog niyang pag-ibig. Noon niya napagtanto na kay laon na pala siyang nagmamahal—pagmamahal na natagpuan kay Hanzen—na akala niya'y simpleng paghanga lang.

Hindi niya alam kung paano ipaliwanag ang nararamdaman niya. Nahihibang siya sa labis na kaligayahan. Hindi na nanumbalik sa normal niyong tibok ang puso niya. Wala na sa tamang huwisyo ang isip niya. gusto niyang umiyak sa galak, pero hindi niya alam kung paano iyon ipapakita.

"Bakit ayaw mo akong harapin, Anniza?" mamaya'y tanong ni Hanzen.

Napalunok siya. Alam niya kapag hinarap niya ito ay hindi niya mapipigilan ang pagsabog ng damdamin niya; baka hindi niya maawat ang katagang nais manulas sa bibig niya.

"Galit ka ba, Anniza? Naiinis ka ba sa akin?" usig nito.

Hindi ako galit, hindi ako naiinis sa iyo, Hanzen. Namimis lang kita, o hindi, mahal lang siguro kita. Oo, mahal na nga kita, ngali-ngali niyang sabihin ngunit hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob.

Bartenders Series 7: Cordials (Complete) UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon