Chapter 20 - Segway chapter?

306 7 4
                                    

Chapter 20 – Segway chapter?

Pagkadating na pagkadating namin dun..

Wala akong..

Wala akong masabi.

Grabeeee! Paano nangyari 'to? Paano nila 'to ginawa?

"S-sorry M-moo.. a-ano.. nagpumilit k-kasi siya eh." Sabi ni Jillieyen habang nakahawak sa isang braso ni Andrew.

Nagbuntong hininga naman si Andrew habang nakatingin kay Addie na kasalukuyang pinagmamasadan yung under construction na gym dito sa likod ng university.

Nakatalikod siya sa amin, nakaputi siyang blouse, puting shorts, at nakaboots na brown. Pero ang pinakakapansinpansin sa kanya ay yung buhok niyang kulot na nakalugay. Kahit nakatalikod siya.. ang ganda pa rin niya.

Samahan mo pa ng talino at talento. At kahit pa sabihin mong malamig siya kung makatingin at madalas walang reaksyon sa mga bagay bagay.. hinahangaan pa rin siya ng kahit na sino.

Bakit ganun?

Apektado si Addie kahit hindi naman dapat.

*sigh

Kaya kung sino mang gumagawa nitong mga 'to sa kanya ngayon.. isa lang ang masasabi ko..

Kakalbuhin kita!

"Honey? Okay ka lang?"

Napatingin ako sa nagsalita..

"Kanina pa ako dito, pero tulala ka lang diyan.. tsaka.." kinuha niya yung panyo na nasa.. ano.. waaaahhh! Ano ba yan?! Masyado akong nacarried away! "Ang panyo hindi kinakagat. Tsk tsk."

Hindi ko naman kasi talaga namalayan na kinakagat ko na yung panyo.

"Ayy? Hehe." Yan lang ang nasabi ko sa honey ko. Hihi. Yung status nga pala namin ni honey, hindi ko masasabi kung tulad na ba ng Yendrew at Jedrienne...

"Tsk." Honey

Napatingin ako kay honey. Daig niya pa ako. Lagi na kasi siyang may dalang salamin. Yung kasya lang naman sa bulsa. Simula kasi nung araw na hindi ko na maalala umalis siya nun. Ang tagal niya nga eh nun eh! Buti na lang kinakausap ako ni Pao, habang inaasar naman ni James yung pisngi ko daw na malaki. Pagbalik ni honey ng madaling araw na yata yun.. nakasimangot siya. Bago pa man namin itanong, napansin na namin na iba na naman kulay ng buhok niya.

(A/N: Ch.17 yung day na sinasabi ni Jean)

"Hindi na talaga ako babalik dun. Mga palpak." ayan, walang araw na hindi niya yan sinasabi, haha. Pero ang cute niya pa rin kahit nagrereklamo, "Kailan ba naging magkalapit ang black sa violet? Tsk."

Haha. Violet kasi yung buhok niya ngayon. Gusto man niyang pakulayan ulit ng black, hindi pa pwede, kasi masisira na daw yung buhok niya. Last month kasi, 3 times siyang nagpalit ng kulay, which is bawal naman talaga pero ginawa pa rin niya. Tsk tsk tsk.

Okay. Balik na tayo kay Add—teka.. nasaan si Addie?! Nasaan sila?! Kaming apat na lang kasi ni Yen at Andrew yung nandito, si James nawala na din. "Honey! Nasan si Addie?!"

"Huh? Nagpaalam siya.. sayo honey. Diba?"

"Kelan pa?!"

"Mga.. 3 minutes ago?"

Eeeehhh. Bakit parang wala naman ako matandaan?

"Yan kasi.. isip ka ng isip sa akin nandito na nga ako sa harap mo."

"P-paano mo nalaman?!" Hala. Ang galing naman ni hon—

"Ha? Joke lang yun. So totoo nga na iniisip mo ako?"

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon