Chapter 6 - A nice talk to HIM

419 11 1
                                    

Chapter 6 - A nice talk to HIM.

Ada's POV

Tuesday ngayon at wala kaming pasok. Holiday daw kasi. Hindi naman sa malungkot ako dahil walang pasok, pabor pa nga iyon sa akin para makapagpahinga naman ako.

Nagmovie marathon ako mag isa at naiinip na ako sa itinawag kong popcorn sa kitchen. Nasa middle part na ako ng 50 first dates pero wala pa rin yung hinihintay kong popcorn.

Nang marinig ko ang katok sa pintuan ko, napaayos ako ng upo ko sa kama ko.

"Pakilapag na lang po sa sahig." sigaw ko habang pinopause yung pinanunuod ko.

Patuloy ang pagkatok kaya tumayo na ako.

"Eto na, eto na!" Kunot noo kong singhal. Pakiramdam ko ay masisigawan ko pa ang maid na nag akyat nito.

Una sa lahat, hindi ako naninigaw ng maid pero alam nila kapag naiirita na ako o naiinis. Iyon ang ginamit kong itsura pagkabukas ko ng pinto, pero bumungad sa akin ang kalahating popcorn na dala ni Jean.

"Addie! Ang sarap ng popcorn mo!" Agad siyang dumiretso sa kwarto ko kasunod si Yen.

"Wooow! 50 first dates! Di mo manlang kami niyaya!"

Sinarhan ko ang pintuan at tiningnan si Jean na nakapwesto na sa kama ko, "Jean."

Sinubukan kong abutin ang lagayan ng popcorn pero yakap niya ito. Dinedma niya ako kahit alam kong nakikita niya ang pag abot ko rito.

"JEAN!" malakas kong tawag sa kanya.

"Sssshhhhhh! Kitang nanunuod kami! Tsk!" Pasigaw pa nilang sinabi ng sabay.

Napanganga ako sa sigaw nila sa akin. Kanina pa ako natatakam sa popcorn pero hindi na ako nakiagaw kay Jean. Ako lang naman talaga ang may paborito netong 50 first dates tapos nung naabutan nila akong nanunuod non, paborito na din daw nila para pareparehas kami.

Matapos ang isang oras, namimili na kaagad sila ng sunod na papanuorin.

Nagunat si Yen habang nakahiga sa kama ko, "Ang ganda talaga! Walang kupas!"

"A walk to remember namaaaaaannnn!" Sigaw ni Jean kahit nasa kanya ang remote ng TV, "Ada wala nang popcorn."

Tinitigan ko lang siya at ngumiti siya sa akin, "Hehe. Sige ako na tatawag sa baba."

Pumunta siya sa telepono at nag dial na ron.

"Bakit pala kayo nandito?" tanong ko kay Yen.

"Eh kasi miss ka na namin." Sabay tawa ng mahinhin ni Yen.

Tumaas ang isang kilay ko, "Nandito kayo kagabi."

Umirap siya at kinuha ang phone ko sa bedside table, "Eh ibang araw na kasi ngayon."

"Really?" tamad kong tanong bago kinuha ang phone ko mula sa kamay niya.

"Yup." Hindi niya ito binigay sa akin kaya hinayaan ko na sa kanya.

"Kelan pa naging ganun yun?" inabot ko ang phone niya pero bago ko pa makuha ay kinuha niya na ito, inunlock.

"Ngayon lang." Ngiti niya sa akin at ibinigay ang phone niya.

Lumapit na si Jean na humahagikhik. "Natawagan ko na! Okay na yung apat na pack 'no? Tig isa kayo tapos sakin dalawa."

"Oy Jean! Lumalapad na naman yung pisngi mo kakakain. Paano ka magugustuhan ng mga crush mo niyan?!" sabi ni Yen habang kinukurot ang magkabilang pisngi ni Jean.

"Okay lang yun. Nang iiwan naman silam mga lalaki.. eh yum pagkain hindi." Sabay tanggal sa kamay ni Yen sa pisngi niya. "Tsaka wala sa itsura yun.. kung may magkakagusto man sakin, ayokong yung mukha ko yung unang magugustuhan nila sakin."

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon