Chapter 19 - Leech Movie Maker

286 6 1
                                    

Dedicated to her because I love her comments :)

Chapter 19 – Leech Movie Maker

"Huuuy.. Addie, Jillieyen. Bakit ngaaa?" bulong ni Jean na nakapuppy eyes na.

Hindi namin siya sinagot. Palibhasa kasi siya tapos na sa seatwork. Kami naghahabol sa 15 minutes na lang na natitira.

Si Yen nangongopya ng sagot ni Jean, ako naprepressure. =__=

1:30 na kami nakarating sa university. At oo, late kami ni Yen. Sila Jed naman, mamaya pa yung mga klase kaya sila yung naiwan dun.

Dun = Dahilan kung bakit kami nalate

Marahil inisip niyong natraffic kami kaya kami nalate. Psh.

Pagkatapos kong magsagot, pinasa na namin yung papel namin, ako na lang kasi hinihintay nila. Habang papunta naman kami sa sunod naming klase..

"Oo, diba nga nung nakaraang linggo pa yata yung nabalitang sila na."

"Eh ano yung mga kumakalat na chismis?"

"Sus. Eh ganun naman kapag sikat, kung anu anong chismis ang kumakalat."

"Sino naman kayang nagkakalat ng mga yun?"

Lalapit sana si Yen sa mga babaeng nagkukumpulan, buti na lang nahawakan ko kaagad yung wrist niya para pigilan. Nung nasa pintuan na kami ng room, hindi kaagad kami-- okay pwera kay Jean, hindi kaagad kami pumasok ni Yen..

"Kung totoong siya ang nauna, bakit ang tagal niyang nanahimik nung mga panahong fresh pa yung balita?"

"Korek ka dyan! At alam niyo bang ngayon lang siya pumasok mula nung araw na yun?"

"Teka.. bakit ba puro siya na lang ang mukhang mali?"

"Oo nga. Malay natin siya naman talaga.. tapos totoong si Ada yung--"

*Blag!

Tsk. Sabi ko naman hayaan niya na lang. Bigla niyang nilapag yung kamay niya ng padabog sa desk nung isa sa babaeng nakikipagtsismisan. Tumahimik tuloy yung buong room.

"Uhh.. h-hi Y-yen." sabi nung nasa gitna na mukhang pinakanagulat.

"A-ada." sabi nung dalawa, tiningnan ko lang sila.

"Sali naman kami. Ano na nga bang sinasabi mo?" Nakangiting sabi ni Yen sa huling nagsalita, pero yung fake. Nung hindi naman siya nakasagot, pataray na nagsalita ulit si Yen, "I think it's better if you three just shut your mouth."

Tumango yung tatlo kay Yen na halatang mga natakot. Tapos lumapit sakin, "We're very sorry Ada." Agad silang lumabas kasama yung mga bag nila.

"Jillieyen, bakit mo sila ginanun?"

Hindi pa nakakasagot si Yen kay Jean, sinundan ko na ng isa pang tanong, "Napagusapan na natin 'to diba?"

"Ang daya naman eh! Bakit hindi niyo ako sinasali sa usapan niyo? Bakit ayaw niyong sabihin? Kanina pa ako nagtatanong!" sabi ni Jean sabay nguso. Sasabihin naman namin, hindi lang makapaghintay 'tong babaeng 'to.

Nagbuntong hininga naman si Yen tapos pinalapit niya si Jean sa kanya, malamang siya na ang magkwekwento kay Jean. Yung iba naming kaklase, tuluyan nang nanahimik. Si Yen kasi eh.

Habang kinekwento ni Yen ang nangyari kanina.. lumabas muna ako ng room para mag cr. Nung nasa loob na ako ng cubicle, nakarinig na naman ako ng mga usap usapan.

"Nako. Ewan ko na lang talaga dun sa babaeng yun. Ang lakas ng loob!"

"Oo nga, biruin mo yun? Ang kinalaban pa niya, eh yung anak ng may ari nitong tinutuntungan niya."

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon