Chapter 4.1 - Crazy Day

450 10 1
                                    

Chapter 4.1 - Crazy day

Ada's POV

Monday again. What's new? Tinatamad na naman ako. Bakit ba kasi napapayag pa ko sumali sa dance number na 'yun? Paano mabibigyan ng chance yung iba kung palagi na lang ako yung ibibida nila? Papunta nako sa room kung saan yung practice namin. Last 2 practices na lang naman. Aba dapat lang.. alangan namang pagurin nila kami, eh di lantang lanta kami sa araw ng performance. Nextweek na yung foundation week at tuesday nakasched yung sayaw.

Supposed to be.. dapat wala akong gagawin. Argh.

"ADA!" Literal na nabigla ang tenga ko sa lakas ng boses na 'yon. Sino ba yung megaphone na 'yon?

Pagtingin ko sa likod ko.. tumatakbo ang babaeng nakasalamin palapit sakin, si Ella, "ADA!"

"Why?" Dumiretso lang ako ng paglalakad.

"Kahapon pa kita hinahanap! Ano na? Napag isipan mo na ba?"

Tiningnan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.. ano ba 'yan ang layo naman kasi ng building na 'yon.

"Ada? Narining mo ba yung sinabi ko?" Ang akala ko ay wala na siya sa likuran ko. Spell slow? Dapat ay nakuha niya na yung ibig sabihin ng tingin ko kanina. I'm starting to get irritated right now. Ayokong sinusundan ako.

"Do I really need to repeat every word I said?"

"Ada naman. Sige na please! Isang kanta lang. Pleeeeaaaaase?!" Halos sumabay na siya sa paglalakad ko.

"No." Pinilit kong sambitin sa mahinang tono para maintindihan niyang ayoko.

"Pagwala ka.. walang manunuod sa program namin. Settled na lahat eh. Kaya lang ang daming nagdedemand sayo.. please Ada.. please.." tumigil na ako sa paglalakad at tiningnan sya. Kitang kita ang pamumuo ng luha sa kanyang mata kaya't napahawak ako sa balikat niya.

"Hey.. Are you ok?"

Kinusot niya ang mata niya at nakita ko ang tumulong luha rito. Of course it's not my fault!

"Look. Dapat hindi niyo dinedepend yung program sa audiences. Paano na lang kung wala ako? Paano na lang yung ibang naghirap para mabuo yung pnrepare nyo? Paano yung ibang totoong sumusuporta sa inyo? Hindi mo ba sila naisip? Nandun man ako o wala.. the show must go on. Come to think of it." Tumalikod na ko at papalakad na sana ulit.

"Masasayang ang lahat.." Humikbi siya, "lahat ng pinaghirapan ko. Please.. ayokong madisappoint yung faculty." Umiiyak siya at.. 'di naman ako ang may kasalanan diba?!

"Hey.. could you please.. stop.. uggghh." Kung hindi ako ang may kasalanan, well at least comfort her right?

"Ada.. please last na talaga 'to. Birthday gift, Christmas gift, wedding gift at lahat na ng gift! Gift mo na sakin 'to!" the next thing she did.. lumuhod siya.

"H-heeeyyy?! What are you doing?! Stand up." Pagtingin ko sa paligid ko, halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin. Mga nagbubulungan at pinapanuod kami. Ano 'to tv show? Si Ella umiiyak pa rin habang nakaluhod sa harap ko. So ako ang nagpaiyak? "Seriously Ella?! You're doing this para lang sa isang.. isang.. kanta ko?!"

"OO! Gagawin ko lahat! Sabihin mo lang! Magiging personal julalay mo ko for one year! Or pwede din forever na! Kung gusto mo taga gawa din ako ng assignment mo, ng thesis mo, taga laba, taga plantsa ng damit mo, taga timpla ng milo mo.. o kaya naman-"

"FINE! OKAY?! JUST PLEASE.. tumayo ka na. Uggghhh." Do I even have any choice?

Tumingala siya tapos nagliwanag ang kanyang mukha. Tumayo tapos tinitigan ako for one minute.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon