Chapter 4.2

417 13 0
                                    

Chapter 4.2

Kinuha ko sa bag ko ang nakasilent kong phone nang makatuntong ako sa pintuan ng bahay.

45 messages received

Addie! Madaya! Why didn't you make pakita to us today?!

Ada! Are you home?

Iba't ibang messages na ganyan lang naman ang ibig sabihin at sa dalawang tao lang nanggaling.

Sa kitchen ako dumeretso para makakain. Pagtapos ay umakyat na ko sa kwarto ko. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang dalawang lokaret na ito.

"Ada! Bakit di ka pumasok?!" nakapamewang na singhal sa akin ni Yen.

"Alam mo bang pumasok kami?!" dugtong ni Jean na nakapamewang rin.

"Bakit di mo kami tinetext?!"

"Alam mo bang tinetext ka namin?!"

"Bakit di ka nagpakita samin?!"

"Alam mo bang hinanap ka namin?!"

"May bago ka na bang friends?!"

"Bakit di mo pinakilala samin?!"

"Sinong kasama mo the whole day?!"

Sasagot na sana si Jean nang bigla rin siyang napahinto. Narinig ko pa ang pagbulong niya kay Yen, "Anong sunod uli?"

"I dunno! Yung last part na lang!" pabulong na sagot rin sa kanya ni Yen. Nagbilang sila ng 1, 2, 3 bago sabay na nagsalita...

"At bakit ayaw mo kaming sagutin?!"

Humikab ako at dumiretso sa kama ko. Umupo muna ako bago humiga, "I'm so tired. What're you doing in here? Gabi na."

Lumapit sila sa akin matapos isara ang pintuan ng kwarto ko, hindi ko pala nasara, tumaas ang kilay ni Yen sa akin, "Seriously? That's all you're gonna say?"

I'm so tired and I just want to sleep right now, pero pinigilan ko ang nagbabadyang ngiti sa labi ko, "What do you want me to say?"

Nagkamot silang pareho ng ulo nila, "Wala."

"I on mo na nga lang yung TV Jean. Mukha ngang pagod siya sa practice."pahabol na sabi ni Yen at humarap na lang sa TV.

"Addie pahingi ng chocolates, ha." Nakangiting sabi ni Jean matapos buksan ang TV gamit ang remote. Iniabot niya yung chocolate jar sa tabi ng kama ko.

Nakatalikod silang dalawa sa akin kaya hindi ko na napigilan pang ngumiti. I don't know what will happen pag pati sila ay nawala sakin. I won't ever let go these two girls in front of me.

"Sure. Basta yung kalat pakidiretso sa trash can and-"

Nagkatinginan kaming tatlo. Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil sa biglang pag utot ni Jean. Humagalpak kami ng tawa dahil don. Ilang beses pang naulit ang tunog ng pag utot niya.

"Oh my gosh! Stop it, Jean!" sigaw ni Yen sa kanya.

Habang tumatawa si Jean at patuloy ang pagsunod sunod ng kanyang utot, "Ang sama niyo! Parang utot lang eh!"

Hanggang sa tumakbo si Jean sa CR ay tawa pa rin kami ng tawa. Kahit kailan talaga ang isang 'yon, paborito ang CR ko dito sa kwarto.

Hindi pa nakakalabas si Jean ay nanghihina na kami ni Yen. Sumakit ang tyan at panga ko sa katatawa at parang lahat ng lakas ko sa katawan ay nadrain. Ganito rin siguro ang pakiramdam ni Yen.

Bigla naman pumasok sa isip ko ang tungkol sa event, "Bigyan mo na lang ako ng kanta."

"Anong klase?" sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon