Chapter 39 - Look who's back

195 6 2
                                    

Mabilis ang phasing ng mga pangyayari dito so sana hindi kayo maguluhan kasi ganun talaga.

Chapter 39 – Look who's back

"Retro what? Doc, what do you mean about that?? And why does... 'amnesia' is after it??" sunud-sunod na tanong ni Jed

"Are you kidding us??" Dagdag ni Andrew

"Of course I'm not.. but.. just like the other cases I've already handled.. when the patient can't remember a particular part before she had her accident, it may be because of too much stress that sometimes leads to trauma. Retrograde amnesia is a type.. wherein the patient can't remember things that occurred... just before her accident." Mahinahong paliwanag ni doc.

Ang ibig sabihin.. nang dahil sa sobrang stress at trauma na idinulot nito sa kanya.. may mga bagay na hindi maalala ni Ada na nangyari lang bago ang aksidente?

"Teka. Eh paano nyo po nasabi yun? Bakit ganun nyo kabilis na conclude?" singit ni Joyce

"I agree doc. Diba po meron pang kailangang tingnan or aralin para masabing may amnesia ang pasyente?" sabi ni kuya Lester, kung sabagay, tama nga naman sya.

Paano nasabi ng doctor na may amnesia si Ada kung saglit pa lang ito nagigising. I mean, sapat na ba yung mga pinakita ni Ada para masabing may amnesia sya?

Ngumiti ng mapait yung doctor sabay tingin kay Ada, "As I've said a while ago, I've handled patients with the same condition as her and.. most of them had the same reactions as her, sad to say.. everytime I check what's wrong.. it all comes out that amnesia is the only answer, a retrograde amnesia. Don't worry. I'll be back as soon as Ms. Alcantara woke up. And by that time, I'll confirm to you what really her condition is as of now."

Matagal natahimik sa room, pero sa huli, nagsalita si Jed, "Thanks doc."

Pagkaalis ng doctor, tahimik pa rin kaming lahat. Kung titingnan si Jed, pag aalala ang bakas sa mukha nya, samantalang si Andrew, para bang tila may malalim na iniisip.

Ada..

Hanggang saan na nga lang ba ang natatandaan mo?

At.. ano nga ba ang mga bagay na nawala na sa isip mo?

Yen's POV

**Kinabukasan

"G-ganun ba? P-pero.. b-bakit ko naman yun gagawin?"

Nagkatinginan kaming lahat dahil sa tanong ni Ada.

AND YES! Nagising na sya!

Halos mangiyak ngiyak kami kanina nang tawagan kami ni moo na nagising na si Ada. Samantala, nagulat naman sya nang malamang halos 2weeks syang tulog nang dahil sa pagkakabangga nya.

Pero.. tulad nga ng paliwanag at kumpirmasyon ng doctor. May retro.. ano nga ba yun? Retro.. ugh!! Basta totoong may amnesia si Ada. -__-

Hindi maalala ni Ada ang lahat ng pangyayari bago sya naaksidente. Or should I say.. hindi nya maalala lahat ng pangyayari ng araw na yun. Ang tanging naalala nya lang, ay yung araw na pumunta kami sa bahay nila at hinintay namin sya. Sinabi samin ni yaya na galing pala si Ada nung mga oras na yun sa pakikipagkita sa hnire nyang private investigator para malaman kung totoong si Andrew ang kuya nya.

"Galit na galit ka. Dahil nakumpirma mo yung reports sayo." Sagot ni Yuki na tinitigan lang ni Ada, kaya naman napahawak ito sa noo nya at bumuntong hininga, "Hanggang kelan mo ba ako balak titigan?"

Humingi na ng tawad sa kanya si Yuki kanina, pero tiningnan nya lang ito. At dahil bestfriend ko si Ada, for sure maya maya nya pa kikibuin si Yuki, dahil sinisigurado nya kung hindi na nga ba ito tulad ng dati na kung umarte eh kontrabida sa isang drama.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon