Chapter 25 - Something about her

241 8 4
                                    

Chapter 25 – Something about her

Ada's POV

Sa wakas, natapos na ang midterm at back to normal na ang lahat.

First day of December ngayon at.. nakakatamad. Mas gugustuhin ko pa yatang dito muna sa bahay at humiga buong araw kesa ang lumabas.

*tok tok tok

"Ada? Nasa telepono ang daddy mo.."

*tok tok tok

Muntik na akong malaglag sa kama ko nang marinig yung sinabi ni yaya.

"Ada.. Alam kong gising ka na. Etong batang 'to oo. Hala sige bangon diyan kung ayaw mong ako pa ang magbukas ng pintuan mo."

Sa totoo lang, wala na ako masyadong sama ng loob kay daddy. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung anong nangyari sa mahigit sampung taon kong sama ng loob sa kanya. Pero.. siguro dahil na rin sa mga kaibigan ko.

At syempre.. kay Jed.

Hindi na kumakatok si yaya. Ibig sabihin, give up na siya sa pagconvince sa akin na kausapin si daddy. Agad akong bumangon at binuksan yung pinto.

Bumungad sa akin ang reaksyon ni yaya na halatang gulat. Hindi dahil sa pagkakabukas ko, kundi dahil sa ngayon ko lang siya pinagbuksan ng pinto para sagutin ang tawag ni daddy.

"Goodmorning yaya." Sabay kuha ng telepono sa kamay niya.

Pumasok na ako ulit sa loob at nginitian si yaya bago isara ang pinto.

"H-hello.." pangungunang bati ko.

"Ada?" Bumilis ang tibok ng puso ko.. ngayon ko na lang ulit narinig ang boses niya at miss na miss ko na nga siguro siya, "Ada? Is this for real? You answered my call?" sabi niya na halatang nakangiti.

"No. Yaya did."

With that, tumawa siya.

"What's up? How are you doing my princess? It's been a long time since you talked with dad. Dad missed you so much sweetie." Dirediretso niyang sabi kaya naman hindi ko napigilan ang mapangiti.

"Everything's fine. How 'bout you?" I wish I have the courage to tell him 'I missed you too'. Kaya lang.. I can't help but feel awkward.

"I'm great! Really great! Aren't you going to tell daddy something?"

"Something like what?"

"Hmm.. like the girl who made vandal--"

"No need." Pangunguna ko sa kanya, "I believe someone already told you that."

"Don't worry my princess.. I made sure that she won't be able to go into other universities and colleges---"

"Argh. Please." Pagputol ko sa sinasabi niya, "Don't use your power. Don't be unfair. Everybody deserves their second chance."

Matagal bago siya sumagot, pero nang magsalita siya, alam kong nakangiti siya, "I'm glad you're still my kind-hearted princess.. just like your mom."

Napangiti ako nang sinabi niya yun. Masaya ako na nakausap ko siya ngayon at nalaman ko na naaalala niya pa rin si mommy.

I was about to say something nang may marinig akong tumawag sa kanya sa kabilang linya.

"Dinner's ready sweetie! Oh. Who are you talking to?"

Agad na nawala ang ngiti ko. Kasabay nun ang hindi ko sadyang pagkabitaw sa phone.

Sweetie?

I know I heard it right when he said something about mom.

Pero alam kong narinig ko rin ng malinaw nang may tumawag sa kanyang babae, which is kasama niya ngayon.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon