Chapter 21 - What's that for?

275 5 1
                                    

Chapter 21 – What's that for?

2 weeks later

Ada's POV

"Ada.."

*Lingon at tingin kay Yen

"Paano 'to? Di ko gets." Sabi niya pero walang boses na lumalabas.

Midterm exam namin ngayon sa Logic.

Tumingin muna ako sa prof namin bago ko siya sagutin.

At tingnan mo nga naman.. tama bang matulog? Tsk. Pasalamat si sir at wala akong pakialam. Dahil kung meron man, baka naitawag ko na sa office na natutulog siya habang nag eexam ang klase. O kaya naman, ako na mismo ang magpaalis sa kanya, remember? I have a power here kahit pa anak lang ako ng may ari.

On the brighter side, madali kong nasabi kay Yen yung sagot ko sa tanong niya, pero syempre walang sounds.

Mga naka limang mouth ako sa kanya ng 'Sulat mo yung rule 1-4' bago niya nagets.

Okay, baka iniisip niyo eh walang alam si Yen. =_= Well, hindi ganun. Sadyang hindi lang nakapag aral dahil nagdate daw sila ng moo niya kagabi.

At dahil two hours ang vacant after ng class namin na 'to, hindi pa tapos ang exam eh kinontrata na kami ni Jean na sa Yellow cab daw kami kain. Para namang may magagawa pa kami.

Palabas na sana kami nang mapansin namin na maraming tao sa labas ng gym.

"Bakit ang daming tao dun? Ano meron? Basketball?" - Jean

"Parang wala naman, eh di dapat kanina pa may nagsisigawan." - Yen

Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para sabihin sa kanilang dalawa na hayaan na lang namin, eh nakiusyoso na si Jean. "Atee, anong meron?"

"Ahh. May panibagong vandal na naman kay--- A-ano." Napatigil siya nung nakita niya ako. Napatingin naman lahat ng mga tao na nandun sa akin. Tapos tumabi sila na para bang nag give way.

Ayoko na sanang makita, pero mukhang wala akong choice kasi sa laki ng pintuan ng gym, imposibleng hindi sumagi sa mata ko yung vandalism na pinagkakaguluhan nila.

"So ganon?! Anong meron diyan at kailangan niyong palibutan?! Hindi yan painting para pagkaguluhan! Alis na nga kayo! Shooo! Mga tsismoso't tsismosa, hindi na kayo nagsawa!" Pagkasabi ni Yen nun, nag alisan na rin naman yung mga tao.

Hindi ko maiwasang hindi basahin ang lahat ng nakalagay sa malaking pinto ng gym.

Walang pagbabago. Ganun pa rin ang mga nakalagay.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napatingin ako sa nagsalita na alam ko na naman kung sino. Ngumiti ako sa kanya. "Criticizing an... artwork?"

Tiningnan niya ako ng seryoso. Tapos bumuntong hininga. Bago pa man siya makapagsalita, inunahan ko na siya, "Hindi ba't sabi ko naman sayo, wag kang papaapekto dahil wala namang--"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong inakbayan at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya.

Sha na matangkad.

"Tsk. Di pa ko tapos eh." Angal ko.

"That's my line.. Di mo kailangang mang agaw." Seryosong sabi niya.

"2 weeks mo nang sinasabi yan sa akin everytime na makakakita ako ng vandal kung saan saan dito sa school. Ayaw mo nun, memorize ko na." Seryosong sagot ko rin sa kanya.

Kahit hindi ko kita yung reaksyon ng mukha niya, alam kong ngumiti siya. Ganito naman siya palagi eh. Tsansing.

I mean, sweet. Ganito siya palagi ka-sweet.

[Complete] My Girl in BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon