005☆

160 12 37
                                    

005

BROKEN HEART, DETERMINED MIND

▬▬▬▬▬

for my discord fam who have been so supportive of this work. this one is for my twinnie zylilgirl for being such a supportive cutiepie hahaha. love you, fam <3

▬▬▬▬▬

"THIS IS THE D-DAY!"

Napatakip na lang ako ng tengga sa lakas ng sigaw at tili ni Klea. Lukaret na 'to, dinaig pa ang megaphone na boses ni Karen!

"Riri babe, gandahan mo ko ha? Tapos 'yon braid ko dapat nakaka-wow. Dapat 'yong mukha akong Barbie!"

Ang ganda-ganda niya na kaya! Siyempre dahil ako ang nag-make up.

"Ano bang pupuntahan mo, pageant?" tanong ni Julia sa kaniya habang kumakain ng tsitsirya ko.

"Mas maganda pa sa pageant!"

Lunch break nang bulabugin kami ni Klea para papuntahin sa kanila. Kailangan niya raw ng mga alalay— ay supportive friends pala para ayusan siya dahil yayaain niya raw date si Jackson mamayang uwian.

At Huwebes ngayon ah, talagang wala siyang pake kahit may klase pa. Nakakaloka talaga 'tong babaeng 'to, masyado ng nabaliw sa asungot na 'yon.

"Sure ka na ba talaga kay Jackson?" tanong ulit ni Julia.

"Of course naman!"

"Alam mo naman, ang daming chismis na playboy 'yon. Ingat-ingat."

"OMG 'wag kang masyadong mapapaniwala sa chismis! Ang tagal na kaya naming magka-chat. Wala rin akong nakikitang ibang babaeng kasama niya. Ang nenega niyo!"

Tumingin sa akin si Julia.

"Ni-reremind ka lang namin, girl. Siyempre mahirap na."

Umiling siya, at kung ibang tao lang 'to, sisitain ko na sana kasi magugulo 'yong tirintas sa likot ng ulo niya. Nakakainis kaya 'yon, bola yarn? Pinakaayaw ko 'yong nagugulo 'yong ginagawa ko. Pero sige, dahil best friend ko siya, magtitimpi ako.

Inalog niya ulit ang ulo niya. Putek, nagulo na! "'Wag malikot!"

"Sorry, riri! Pero promise, good boy ang baby Jackson ko."

* * *

"Maganda ba ko? Maayos ba buhok ko? Kailangan ko na ba mag-retouch?" aligagang tanong ni Klea papunta pa lang kami sa classroom ni Jackson pagdating ng uwian. Eh nakailang retouch na kaya kami.

Naglalakad pa lang kami, pinagtitinginan na. Gandang ganda siguro sila sa braid naming dalawa ni Klea. 'Yong kay Klea 'yong flower bun, sa 'kin, waterfell, ay falls yata. Ah, basta.

"May chismis ba sa Facebook ngayon?" biglang tanong ni Julia.

"Bakit?"

"Daming nakatingin sa cellphone. Tapos titingin sa 'tin. Kanina pang umaga 'yan. Gumaganyan lang yan sila pag may bagong chismis."

Parang wala naman akong nakita. Sabagay, 'di rin ako nakapag-Facebook kahapon.

"OMG ayun na ang baby Jackson ko!" impit na tili ni Klea sabay alog pa sa balikat ko. "Okay ba 'yong mukha ko, Riri babe? Maganda ba? Hindi ba 'ko maitim? Fit ba 'yong—"

"Nakakaloka ka girl, pang-ilang tanong mo na 'yan! Oo nga, ako kaya nag-ayos sa 'yo."

Huminga siya nang malalim 'tsaka tumikhim. Kabang kaba ang lukaret. Para namang first time niyang gagawin 'to. Eh sanay na sanay na siya.

All The Magic We MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon