018☆

123 5 35
                                    

018

ENGLISH CHEERING SQUAD


ICARUS

"BASTA PRES, AKONG bahala sa pag-taya, 'wag mo lang pakakawalan 'yong bola sa 'tin," sabi ni Joaquin.

Pagod akong tumango sa kaniya, kanina niya pa inuulit-ulit iyang strategy niya raw para sa touching ball. I told him I know how to play it but he doesn't seem to believe.

"I told you, Joaquin, marunong ako."

He smiled sheepishly. "Para kasing 'di halata, Pres. 'Tsaka baka bigla kang asthma-in ah."

"Nilalaro namin no'n ni Pa 'yan," sagot ko. "Hindi naman ako nakasumpong. This is just an exercise, so I'm good."

We're heading to the gym for the game. Sinilip kasi namin kanina si Theo na naglalaro ng chess at sina Shun na nagpe-prepare na para sa basketball.

As usual, the school is busy with the intramurals. Students are everywhere, cheering and sneaking out. I don't really enjoy events like this. Mas gusto ko pang mag-aral na lang. I'm not the sporty type, either. I've played a lot with Pa back then. Pero hindi ako sumasali sa mga ganitong sports game tuwing intrams. Ngayon lang dahil kailangan at kulang kami sa players.

Things that you do just to win. It's ridiculous.

"Oh, 'di ba si Pareng Julia 'yon?" turo niya sa babaeng nakatayo malapit sa gate. May kausap siyang lalaki na mukhang mas matanda sa amin.

"Siya nga," kumpirma ni Joaquin. "Kala ko bang type niya si Kuya, ba't may boyfriend na yata?"

Napakunot ako sa sinabi niya.

Tumawa siya habang naglalakad kami palapit. "Crush niya 'yong kuya kong pangit e."

"Pare— 'oy, 'oy!" Nanglaki ang mata ko at napatakbo si Joaquin sa harap ni Julia nang itaas ng lalaki ang kamay niya. Naiwan sa ere ang kamay nang lalaking kausap ni Julia, muntik na siyang masampal kung hindi lang kami lumapit at nailayo ni Joaquin. "Sino 'tong gagong..."

Pumagitna agad ako. Sa school grounds pa talaga? "What are you doing?"

"Kuya ko 'yan..." bulong ni Julia.

Shit. Slapping his sister in the school gate, seriously?

Pinandilatan kami nang lalaki. Looking from here, they do look alike. Tan, thick lips and snobbish eyes. Namumula ang mata niya, galit na galit.

Bigla niyang dinuro si Julia. "Tang ina mo humanap ka talaga ng kakampi mo. Kapag nalaman kong sinabi mo 'to kay Mama, makakatikim ka talaga sa 'kin." He glared at me. 'Tsaka siya dumura at tinalikuran kami.

Ang bastos naman!

Lalapitan ko sana para kausapin kung hindi lang ako pinigilan ng dalawa.

"Hayaan mo na siya."

"You should report him."

Umiling siya, malalim ang tingin sa nilakaran ng kuya niya kanina. "Ginawa ko na 'yon... wala namang silbi."

"Still—"

"Mag-se-senior high ako sa Manila, magdo-dorm at iiwan ko sila ditong mga letse sila." Nakakuyom ang kamao niya. Humarap siya sa akin. "Makakapasa naman ako 'di ba, Pres? Kung sanang kasing talino mo lang ako..."

Of the three, I think Julia's the smartest. Nakikita ko siyang kasama sa top 10 at sumasali rin sa mga extracurricular activities.

"Oo naman, ano ka ba!" alo ni Joaquin sa kaniya. "'Tsaka may extra credit kaya tayo kapag nanalo tayo sa best club. Kaya dapat manalo tayo!"

All The Magic We MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon