009
YES! YES! YES!
▬▬▬▬▬
"KINAKABAHAN PA RIN AKO! Dapat manalo tayo do'n." Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses ng sinabi ni Klea 'yan simula ng pumasok kami sa canteen para magtanghalian.
"Okay na, girl, gets na namin. Pang-ilang beses mo ng sinabi 'yan."
"Kinakabahan kasi ako, babe! Otteoke—"
"Shh! Kumain ka na lang. Oh 'yan, sa 'yo na 'yang favorite mong ham," saway sa kaniya ni Julia.
"Buti ka pa, Juls 'di kinakabahan, 'no? OMG sana all!"
"Eh bakit ba kasi ako kakabahan, may magagawa pa ba ako kapag hindi tayo—"
"Don't! 'Wag ka nga!"
"Tingin ko naman mananalo tayo, ang ganda kaya ng sa 'tin!" singit ko sa awayan nila. Kapag hindi pa 'ko nagsalita baka 'di na sila matapos.
"Truly! Mananalo tayo!"
"Anong oras ulit 'yong announcement?" si Julia.
Ano nga kasi? Nakalimutan ko na e.
"One o'clock daw," si Klea.
"Ayos, 'di tayo mag-s-science!"
Hala oo nga! "May quiz kami sa English ngayon!"
"Eexcuse kayo no'n, babe. Si Ma'am Jenni pa. 'Tsaka kasama mo naman si Icarus."
Buti naman! 'Di ako nag-review e— ay hindi pala talaga. Minsan lang, kapag may himala.
"May balita nga kanina, may faculty meeting daw ng alas dos."
"Talaga? Saan mo nasagap 'yang chismis mo?"
Kapag talaga usapang uwian 'tsaka sa klase, ang lakas nang pandinig ni Julia sa mga chismis.
"Kay Joaquin, sabi no'ng ka-chat niya, secretary ng SSG."
"Ano gala tayo, girls?" aya ko. "Girl, alam mo ba gusto kong mag-swimming." Tumingin ako kay Klea.
"Bakit ka mag-sw-swimming ano bang meron ngayon?"
"Malay mo manalo tayo? 'Tsaka birthday ni Yolo kahapon 'di ba?" Si Yolo 'yong aso niyang shih tzu. Hindi niya man nga lang kami binigyan ng cake ni Yolo kahapon— ay teka, teka, birthday... parang... ah! Putek, oo nga pala!
"Si Icarus!" Napakirot sila sa boses ko. "Birthday ni Icarus no'ng Friday!"
"OMG oo nga pala!"
'Yong regalo ko, hindi ko man lang pala nabigay no'n. Sayang 'yon kung 'di ko man lang mabibigay! Napakagaling niya naman kasing sumpungin ng hika, nasakto pa no'ng mag-jujudge sila at birthday niya. Ayan tuloy muntik ko ng makalimutan.
"Kung kayang i-bulaga na lang natin siya do'n sa resort niyo?"
"I-surprise, anong bulaga ka diyan!" kontra bida na naman 'tong si Julia.
"Tsk. Gano'n din 'yon!"
"Pero very good idea 'yon, Riri. Wala naman masyadong tao sa resort niyan kasi Monday. Sabihin ko kay Mama i-reserve niya tayo ng isang kubo. Sama natin lahat ng officers."
"Wala akong dalang perang pangbayad ngayon ah," si Julia.
"Sino bang nagsabing may bayad?"
Sabay kaming ngumisi ni Julia. Ang saya-saya talaga kapag may mayaman kang kaibigan.
BINABASA MO ANG
All The Magic We Made
Novela JuvenilNon-existant ang salitang 'responsibility' kay Irina Gomez, mas gugustuhin niya pang mag-happy happy kaysa ma-stress. Kaya naman halos maloka siya nang biglang maging vice president- worst, nang English club. Isama pa si Icarus Carlos na 'sing lamig...