012
HAPPINESS FIRST!
▬▬▬▬▬
IRINA
AKALA KO NAKAKAPAGOD na 'yong pag-aayos sa club room noon, mas nakakaloka pala ang English month! Puro na lang pag-aayos, paglilinis 'tsaka pagbabantay 'yong ginawa namin simula ng November. Tapos nagpa-practice pa kami para sa sayaw.
Nakaka-stress din! Mas nakaka-stress pa sa magmememorize ng English. Ang masaya lang yata dito, hindi kami nagkaklase kapag kailangan talaga. Kapag kailangan lang talaga, madalas kapag patapos na yung isang subject dahil sobrang higpit ni Icarus. Ayaw umalis ng classroom lalo na kung may quiz, 'yon pa naman ang sinasakto ko.
Ang kontrabida talaga sa kasiyahan ko minsan ni President.
Pero kung may nakaka-stress sa lahat, 'yon ay ang pagtuturo sa tatlong lalaking 'to na sumayaw!
"President, mali ka ng ikot, kayong dalawa ni Shun!"
"Sorry naman," si Shun.
Hinihingal na tumingin sa akin si Klea. "Isa pa?"
Tumingin ako sa dalawa. "Isa pa ah, 'wag na kayong magkakamali parang awa niyo na."
Tahimik na umiwas ng tingin si Icarus. No'ng una pinagtatawanan ko pa silang tatlo. Ang titigas kasi! Nangunguna na si Theo, pero buti naman si Theo tama 'yong mga ginagawa. Eh itong dalawang 'to, matigas na mali-mali pa!
Ilang araw lang kaya ang performance namin dito.
"One, two, three, kembot!"
Ang tagal ko ng 'di na-i-stress ng ganito. Pero, 'wag silang mag-aalala, makakabawi rin ako sa stress na binigay nila sa 'kin. Ha! Manonood kami ng sine pagkatapos nito. Ang palabas: Isayaw Mo, Igiling Mo. Siyempre, sino pa ba ang bida?
Pagkatapos nang ilang oras naming practice, nagpahinga muna kami sandali. Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada. Wala kasi kaming pwestong pagpapractice-an kaya dito kami pumwesto, sa labas ng school. Ito 'yong eskinitang daanan papasok kaya wala namang masyadong dumadaang sasakyan.
Gusto ko sanang bumili ng C2 kaso 'di na keri ng— may biglang nahulog galing langit na C2! "Gusto mo?"
"Siyempre naman!" Kinuha ko agad ang C2 na hawak ni President, at may kasama pang VCut!
Umupo siya sa tabi ko. 'Yong iba naming kasama pumasok para bumili sa canteen, 'yong iba nagkukwentuhan, kay Ate Ellie bumili ng tusok-tusok.
"Nakakaloka, akala ko madali lang magturo ng sayaw," sabi ko. Ang ganda pa naman ng sinasayaw namin, All For One yata 'yong title. Basta sa High School Musical. Alam ko kasi paborito ko 'yong pinapanood no'ng bata ako kahit 'di ko naiintindihan dahil English.
"Marami kasi." Buong English club ba naman, pero hindi naman lahat. 'Yong iba kasi hindi naman pumupunta, tulad na lang nina Jackson-pangit. Sinubo ko 'yong piraso ng VCut.
"At ang galing niyo kasing sumayaw."
"I hate dancing."
"Halata naman." Parang napipipi na siya kapag sumasayaw na kami. "Bakit 'di mo na lang pinapapalit?"
"Kailangan para maka-perfect points tayo."
"Ah..." Kaya pala. Uminom ako sa C2 tapos tumingin ulit sa kaniya. "Bakit gustong gusto mong manalo, President?"
"Kailangan."
"Na naman? Ang dami mo namang kailangang gawin sa buhay," sabi ko. "Pero bakit nga?"
"It's my Pa's wish."
BINABASA MO ANG
All The Magic We Made
Novela JuvenilNon-existant ang salitang 'responsibility' kay Irina Gomez, mas gugustuhin niya pang mag-happy happy kaysa ma-stress. Kaya naman halos maloka siya nang biglang maging vice president- worst, nang English club. Isama pa si Icarus Carlos na 'sing lamig...