020☆

112 9 18
                                    

020

TIME OUT!


PAGKATAPOS NG DALAWANG Linggong Christmas break, balik trabaho— ay, eskwela na naman kami. Siyempre, balik pagiging magandang vice president na naman ako ng English Club. At balik pagpapa-tutor na naman kay Icarus.

Grabe nga, parang walang break sa kaniya! Halos araw-araw yatang nagtatanong kung nag-aaral ba ako ng English kahit isang oras lang. Wala bang kapaguran 'yong isang 'yon?

January 5 nang pumasok kami ulit. Akala ko makakapag-happy happy muna ako kahit isang linggo lang, kaso hindi pala pwede. Dahil pagdating ng January 18 at 19, may exam na kami, tapos pagdating ng 20, JS Prom naman namin.

Akala ko kinuha ako para maging vice president, maging busy na tao pala.

"If we really want a chance to win, we have to get the extra 10 points for the JS Prom," sabi ni President habang nagmi-meeting kami para sa gagawin namin sa JS Prom. "So, I hope you'll do your best in creating the booth and helping."

"Sino-sino po 'yong mga sasali rin na ibang club?" tanong ni Theo.

"Science club, for sure. And I heard Filipino club, too."

"'Di ba Science Club 'yong nangunguna ngayon, President?"

Tumango si Icarus.

Napasimangot ako. Eh paano 'yon, baka kapag nanalo pa sila, wala na kaming mahabol. 8 na yata ang points nila, samantalang kami, 0 pa rin.

"But, don't worry. Decorating and designing is not their strength. Remember, Club Room? Kaya kung gagandahan natin dito, may chance pa rin na sa 'tin mapunta ang 10 points.

Sabagay, tama, tama. Hindi dapat ako maging nega!

"Eh anong theme natin niyan?" tanong ni Klea.

"Any suggestions?"

Nagtaas ng kamay si Shun. "Parang maganda kung katulad ng theme natin sa club room."

"Opo, opo, magic. Fantasy!" si Theo.

"Ah!" Napatayo ako ng may maisip. "Nasabi ni Theo no'n 'yong Alice in Wonderland, 'yon kaya 'yong gamitin natin?"

Alam ko na kung tungkol saan 'yon ngayon. Pinabasa sa akin ni Icarus no'n 'yon eh, habang tinututor ako.

Tumango-tango si Icarus. Sumangayon naman lahat. Galing-galing ko talagang mag-isip!

"Parang okay nga 'yon, sabi nila no'n colorful 'tsaka parang magical 'yon. Yakang yakang i-design nina Irina at Klea 'yon!" si Julia.

"Lahat ba payag na ro'n?"

Tumango lahat sila.

"Alright, Alice in Wonderland is our theme for the booth."

Yes! Na-eexcite na ako!

"Pres, pres!" Nagtaas ng kamay si Joaquin. "'Di ba parang naligaw si Alice sa wonderland? Gawin kaya natin na parang marriage booth—"

"Sus, boy, gusto mo lang niyan makipag-marriage—"

Natawa si Joaquin 'tsaka inilingan 'yong sinabi ni Shun. "Teka, 'wag ka nga! Maganda 'to, promise. Ayun nga, JS Prom kaya maganda 'yong marriage booth. Pero may twist!" Tinaas niya pa ang hintuturo niya.

"Talaga? Spell nga, boy."

Inirapan niya lang si Shun. "Kung ayaw nila o napilitan lang, kasi alam mo naman may mga walanghiya talagang barkada sa mundo, kailangan lang nilang hanapin 'yong rabbit hole sa booth sa loob ng 10 minutes. Kapag nahanap nila, hindi matutuloy ang kasal!"

All The Magic We MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon