006
FISH FOR RECESS
▬▬▬▬▬
"ATE PABILING PIATOS!"
"Puta naman, nasiksik ako sa 'yo!"
"Hoy shuta ka sumisingit po 'to oh!"
"Walang puto dito!"
"ATE! DALAWANG VCUT!" Nakakaloka, mawawalan na ako ng boses 'di pa rin ako makabili!
Araw-araw na lang, dinaig pa ng palengke 'yong canteen. Samu't saring amoy pa, may putok, may matapang na pabango, may bagong lutong kanin, ewan ko ba! Para kaming mga zombie na nag-siksikan para lang makabili. Ang importante makakain ako ngayong araw na 'to. "Ate VCut sabi pabili!"
"Hoy, 'wag kang sumisingit—" Putek na 'yan, kasunod na 'ko naunahan pa! At napalayo pa sa dami ng mga nagtutulakan na 'to. Kaloka!
Babalik na ulit sana ako sa gyera— ay sa pila pala na parang hindi pila, nang makita kong nasa unahan at bumibili si Icarus.
Marunong pala siyang makipagsiksikan?
"Anong sa 'yo?" halos pasigaw na na tanong ni Ateng tindera kay Icarus.
Hindi ko narinig 'yong sinabi niya pero kaagad akong sumingit. "VCut dalawa din sa kaniya, ate! Pinapabili ni Ma'am!"
Napaharap kaagad si Icarus. Ngumiti ako. Galit na galit? Bago pa siya makareklamo, binigay na ni Ate ang VCut ko sa kaniya.
Whoo, sa wakas! Buti naman 'di ko na kailangang bumalik sa siksikang pila. Galing ko talaga!
"Kaninong VCut 'to?" tanong ni Ateng tindera, mukhang bago pa lang.
"Ma'am Gomez po. Thank you ate!"
Binigay ni President 'yong VCut pagkaalis niya sa pila. 'Tsaka siya pumalad. "Bayad mo."
"Heto nga. Thank you, President!" Ngumiti ulit ako nang matamis. Swerte mo, President ah, sa 'yo lang ako ngumingiti nang ganito karami.
Whoo, hirap magpakabait.
"Tatlong max 'tsaka C2 lang binili mo? Anong itutulak mo d'yan, 'yong kendi?"
Hindi niya ako sinagot, tinalikuran lang ako atsaka naglakad paalis.
Kakayanin niya ba 'yong klase hanggang mamayang hapon na kendi lang? At C2? Alien ba siya?
At bakit ba umaalis na siya? May sasabihin pa ako!
"Teka, teka, President! Dito muna tayo, may sasabihin ako!"
Parang wala lang siyang narinig habang naglalakad pabalik ng room. Ano pa nga ba, si Icarus 'yan e. Gustong gustong hinahabol, pogi yarn?
"President Icarus! Sa canteen muna tayo may sasabin ako!"
Wala pa ring pake.
Nakakaloka ha! Nabibingi ba siya?
Ayaw kong bumalik ng room, baka may magpa-tirintas na naman, masakit na kaya kamay ko.
"President, sa canteen muna tayo."
Whoo, ewan ko na lang talaga.
"Nabibingi ka ba?"
Putek, ayan tuloy nadudulas ako!
Buti na lang walang tao sa room nang bumalik kami.
"Hindi."
Naka-dekwatro siyang umupo sa pwesto niya. Binuksan niya 'yong pulang max at kinain, tapos sinabayan ng C2. Luh, ginawang gamot?
![](https://img.wattpad.com/cover/295887585-288-k427008.jpg)
BINABASA MO ANG
All The Magic We Made
Подростковая литератураNon-existant ang salitang 'responsibility' kay Irina Gomez, mas gugustuhin niya pang mag-happy happy kaysa ma-stress. Kaya naman halos maloka siya nang biglang maging vice president- worst, nang English club. Isama pa si Icarus Carlos na 'sing lamig...