Prologue

11 0 0
                                    

Read at your own risk!

Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences, 17 and below. It might have typographical and grammatical errors. So if you're sensitive and a perfectionist, please refrain from reading.

All characters, events, and places mentioned are all part of the author's imagination and only used in a fictitious manner. Any resemblances to actual persons or events are purely coincidental.

Date Started: January 2022

Date publish: April 10 2022

Date Finished (But not yet published): April 10 2022

---

Isa iyong tahimik na hapon, oras kung saan malapit nang kainin ng kadiliman ang gabi. Naka-upo ako sa buhanginan habang pinagmamasdan ang haring araw na malapit nang mawala. I will always be amazed by the beauty of sunsets. Even though I have watched it a countless times, I will always chose to watch it again and again.

Every time I was caught up by the beauty of the Earth, like this sunset in front of me, my problems immediately fade away for a moment and I feel satisfied and gratified for whatever this sunset can make me feel....at peace.

They say, the sunset symbolizes endings. But for me, it symbolizes new beginnings just like the sunrise. It is the time to rest and reset all the tiring things you have done for a day. It is the time to get ready for another day, for another battle.

The sky is now golden. The beauty of the clouds that reflected the light from the sun added to the beauty of the scenery. Ang paligid ay unti-unti na ring dumidilim dahil sa paglubog ng araw. Titig na titig lang ako dito, ayaw lisanin ng mga mata kahit sandali. Naagaw lang ang atensyon ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"August!" A baritone voice echoed. Nilingon ko siya at nakitang tumatakbo siya papalapit sa kung nasaan ako. Saglit ko siyang tinitigan bago ibinalik ang tingin sa palubog na araw. Hindi man katagalan ang paglisan ng mga mata ko, nawala na ito kaagad at tanging ang kaunting liwanag niya nalang ang nakikita.

Ganoon lang kabilis. Isang tawag niya lang ay nawawala na kaaagad ang pokus ko sa isang bagay na minsan ay nakaliligtaan ko kung ano nga ba talaga ang pakay ko.

"Nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Ginawaran niya ako ng mga matatalim niyang tingin.

Naglahad siya ng kamay para tulungan akong tumayo. Walang pag-aalinlangan ko iyong inabot at nagpadala sa hila niya.

"Panira ka!" Inirapan ko siya habang ipinapagpag ko ang natitirang buhangin sa aking puwetan bago muli siyang tinignan. Umiling lang siya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok ng bahay nila.

Habang hila-hila niya ako ay walang ibang nasa isip ko kung hindi ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Hindi ko maiwasang bigyan ng ibang kahulugan iyon. Ganon naman talaga, hindi ba? Kahit wala naman talagang ibang ibig sabihin sa ibang tao pero dahil gusto mo at may nararamdaman ka, hindi mo mapigilang mag-isip ng mga bagay na ikaw lang din naman ang nakakapansin. Madalas kasi nahahaluan ng puso natin ang ating pag-iisip at madalas iyon ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan.

"Ano bang gagawin? Uuwi na ako, gabi na!" Wika ko ngunit patuloy pa rin na nagpapadala sa hila niya. Natigil lang ako nang dumating kami sa dining area nila at may nakitang maliit na cake doon na may kandilang nakasindi.

Binitawan niya ang kamay ko para kunin iyon. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig. Tinitigan ko ang cake bago tumingin sa kaniyang mga mata. Hindi ko napigilan ang sakit na lumandas sa aking puso.

"Happy birthday," He said with a smile.

"Tanga, bukas pa." Ngumuso ako, tumawa naman siya.

"You know that we always celebrate your birthday in advance dahil gusto mong mapag-isa lagi tuwing birthday mo." Ang sabi niya. "Blow it and make a wish."

Pumikit ako at taimtim na humiling bago ko inihipan iyon.

"Kiss mo ako." Mapaglaro kong sinabi sa kaniya. I meant it half-heartedly, but it will always be a joke for him.

"Shut up. You're not yet 18." Ibinaba niya ang cake at kinuha ang slicer na inabot ng isa sa mga kasambahay nila.

"Why? You'll kiss me when I'm 18?" Agad niya akong tinignan nang masama sa tanong ko. I'm just wondering. I won't reject him if he will though.

"Shut up." Tinawanan ko na lang iyon ulit kahit pa nagguhit na naman ang sakit sa aking puso. I know what his feelings are for me. He treats me like a little sister and it hurts because I treat him as someone special, as someone that I want to spend the rest of my life with. I know that wouldn't change but somehow, I want to tease him just to try if it can trigger something from him. I'm so hopeless.

Umupo ako sa dining table habang naghahati siya ng cake. Pinagmamasdan ko lang siya. I can see the veins from his arm as he maneuvers the knife. His body is very manly. He's tall and has rough features on his face. He's the definition of a ruthless greek god! If I didn't know him since I was a child, I will fear him because of his serious look.

"Here." Iniabot niya sa akin ang cake na hinati niya na nasa platito na ngayon.

"Saan mo binili 'to?" Tanong ko nang natikman na iyon. "Hindi masarap."

Masama niya akong tinignan at parang galit pa siya. "I made that!" He spatted.

Itinikom ko ang bibig ko para pigilan ang halaklak. Gawa niyo ito? Hindi ako nagsisinungaling nang sinabi kong hindi iyon masarap. Hindi ko tuloy napigilan ang tawa ko.

Padabog niyang kinuha ang platitong hawak ko at ang tinidor sa kamay ko. "Huwag mo nalang kainin." Galit niyang sabi.

"Edible naman!" Natatawa ko pa ring sambit. Sinubukan kong bawiin iyon sa kaniya pero tuluyan na niyang inilayo iyon at iniabot sa kasambahay nila.

"Throw this." Utos niya.

"Bakit mo itatapon? Sayang! Makakain naman." Ako, natatawa pa rin.

Totoo naman iyon. Hindi masarap pero kaya namang pagtiisan. Siguro, napasobra lang ng kaunti sa baking powder at nakulangan sa asukal. Hindi ko alam dahil wala rin naman akong alam sa paggawa ng cake.

Masama niya akong tinignan kaya itinikom ko ulit ang bibig ko. "You made that for me! Bakit mo itatapon?"

Bumaba ako sa dining table. Ngunit hindi ko akalain na matatapilok ako bigla pagkababa ko. Muntik akong matumba pero mabuti nalang mabilis akong nasalo ni Maximo.

Nasubsob ako sa dibdib niya habang ipinalupot niya ang kaniyang kamay sa beywang ko. Mabilis ang pangyayari pero bumagal ang mundo para sa akin sa pagkakataong iyon.

Tumingala ako para tignan siya. Tinitigan ko ang matatalim niyang mga mata. Nakakunot pa rin ang noo niya.

Ang init na nanggagaling sa katawan niya ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maintindihan. Para bang may gumising sa pagkababae ko lalo na nang napunta ang paningin ko sa mapupula at mukhang malalambot niyang mga labi.

"Don't be so clumsy!" Bumalik ako sa ulirat nang magsalita siya. Ngunit nawala ulit ako sa sarili nang bigla niyang hinawakan ang beywang ko at inangat pabalik sa lamesahan. Dumagdag pa ang pagkakakulong niya sa akin gamit ang mga bisig niya habang nakaupo ako sa lamesa.

Unconsciously, I licked my lower lip as I stare at his lips. Without thinking, I leaned forward to him in an attempt for a kiss.

---*

Hello guys! I made a last-minute change to one of my characters' names. Natapos ko muna iyong story bago ko siya pinalitan so kung mayroon man kayong nabasa na, "Alex", "Sandro", or "Alessandro", that's Maximo. Baka lang hindi ko siya nakita at napalitan. Thank you.

Summer Of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon