Beach
It was a necklace with a locket. Ayoko pa sanang tanggapin iyon pero wala na akong magawa. Nakokonsensya pa ako sa effort niyang nasayang noong nakaraang araw tapos ngayon ay tatanggihan ko pa ito?
Ngayon ay nakaupo kami sa upuan na nasa teresa nila sa likod. Pinagmamasdan lang namin ang dagat habang nagkukwentuhan.
"Kailan ka babalik sa Manila?" Tanong ko. Simula kasi noong naghigh school siya at nagpasya siyang mag-aral sa Manila ay umuuwi na lang siya dito tuwing bakasyon. Now, he's in his 3rd Year in college habang ako ay Grade 12 pa lang.
"I don't know. Baka babalik ako sa enrollment or sa start na ng klase." Sagot niya.
"Do you miss me there?" Tanong ko naman.
Malamang marami siyang kaibigan doon para isipin pa ako. Kapag wala kasi siya dito, mas nagiging malungkot ang buhay ko at walang araw na hindi ko siya iniisip. Siya kaya, ganoon din? Nakakatawang isipin dahil napakaimposible naman no'n.
"Of course. I always miss you."
"As a friend?" Ano bang klaseng tanong iyan, August? Syempre! Sino ka ba?
"Yes. What else?"
Tinawanan ko na lang ang sagot niya para hindi magmukhang big deal iyon sa akin. Iyon naman ang ineexpect kong sagot niya, eh.
"Wala lang." Nagkibit balikat ako. "Siguro marami kang kaibigan doon no?"
"Meron din naman. Hindi naman ako loner."
"Mga babae?"
"Oo. At mga lalaki rin. Marami akong kaibigan doon, August."
"May naging girlfriend ka ba doon?" Mula sa pagkakatingin sa dagat ay ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya. Nakita kong napalunok siya dahil sa tanong ko. Awtomatikong gumuhit ang sakit sa puso ko dahil sa nakitang reaksyon niya.
Meron ba? Inihanda ko ang sarili ko para doon.
"Yes."
Tumingin siya sa akin. Tipid akong ngumiti at tumango. Ibinalik ko na ang tingin ko sa dagat. Biglang bumigat ang puso ko. Dapat pala hindi na ako nagtanong.
"Talaga? Bakit hindi mo kinuwento sa akin?" May bahid ng kalungkutan at pagtatampo ang tono ko. Ipinagtataka ko lang kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang bagay na iyon. Dahil ba alam niyang masasaktan ako?
"Wala lang. Wala naman na kami kaya hindi mo na kailangang malaman."
Gusto ko mang magtanong pa tungkol doon ay hindi ko na ginawa. Ayaw kong saktan pa ang sarili ko kaya mas mabuti nang ganoon.
"Maligo tayo mamaya?" Naging masaya bigla ang tono ko, itinatago ang totoong nararamdaman.
"Anong oras? Mainit pa."
"Hmm. Mga 4:00?"
Dahil medyo maaga pa, mainit pa nga. Alasdiyes palang ng umaga kaya nagpatuloy pa rin kami sa kuwentuhan. Noong oras na ng tanghalian ay kumain na kami. Pagkatapos ay tumambay kami sa kwarto niya.
Nakahiga ako sa kaniyang kama dahil medyo inaantok ako. Siya naman ay may ginagawang kung ano sa laptop niya.
"Tabihan mo ako." Walang hiya kong sabi. Napalingon siya sa akin at sumingkit agad ang kaniyang mga mata habang nakataas ang isang kilay. Inaakusahan niya na naman agad ako. Pero tama naman ang kaniyang iniisip.
"Sige na." Ngumuso ako at nagpaawa. Bumuntong hininga naman siya at bumalik sa kaniyang laptop.
"I'll just finish this." I smiled devilishly.
BINABASA MO ANG
Summer Of August
RomanceWarning - R18 August is in love with her childhood friend ever since. One summer, everything changed between them after they shared a kiss in front of the sea as the upper limb of the sun disappears below the horizon. She didn't know what it was for...