7

3 0 0
                                    

Jealousy

Warning: R18

Dahil wala ang mga kasambahay nila Maximo ay niyaya niya ako para maggrocery ng mga kakainin niya sa mag susunod pa na araw. Kailangan pa naming pumunta sa kabilang bayan dahil doon lang mayroong supermarket.

"Bakit ba kasi pinauwi mo sila Ate Rose?" Tanong ko. Pinagmamasdan ko lang siya habang seryoso siyang nagmamaneho.

Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang matipunong katawan. I can see his veins as he grip tightly on the steering wheel. Ang isang braso niya ay nakasandal sa bintana at pinaglalaruan ang kaniyang ibabang labi.

"I just want to give them a rest." Aniya.

"Talaga? Paano ka? Sinong magluluto ng pagkain mo?" Nagsalubong ang kilay niya nang bumaling siya saglit sa akin.

"Did you just assume that I don't know how to cook?" Nagtaas ang kilay ko sa kaniya, hinahamon ang sinabi niya. Hindi naman talaga siya marunong!

"Bakit? Totoo naman hindi ba?" Umirap siya at sarkastikong natawa.

"I know how to cook!" Giit niya. Talaga? Hindi ako naniniwala doon. Sa tagal ko na siyang nakilala, niminsan ay hindi ko pa siya nakitang nagluto.

"Sige nga. Ano ang mga kaya mong lutuin?" Lumingon siya sa akin saglit bago ibinalik ang atensyon sa kalsada. Saglit din siyang nag-isip bago sumagot.

"Eggs, hotdogs, noodles---" Hindi pa man siya tapos ay tinawanan ko na siya.

"That's not counted." I almost rolled my eyes. Everyone can cook that!

"Tss..."

"Pwede kitang dalhan ng pagkain." Suwistiyon ko naman.

"Or I can just go to your house." Masaya niyang sinabi. Agad kong inabot ang braso niya para hampasin. Sinabi ko na ngang hindi siya pwedeng pumunta sa bahay!

"You're being sadistic." Reklamo niya. "You promised that I'll go to your house."

"Hindi nga pwede!"

Alam kong sinabi ko sa kaniya na ipakikilala ko siya kay Dad pero hindi pa ako nakapagdedesisyon kung kailan iyon. Siguro kung kailan ko na lang napagtripan.

Ngumuso siya at nagsalubong ang kaniyang kilay. "Ang sabi mo pupunta ako doon." Paawa niyang sabi, pinipilit ang gusto niya.

I can't help but to find his reactions cute. O baka nagpapacute lang talaga siya sa akin? Hindi na ako sumagot. Umiwas ako ng tingin at tumitig na lang sa labas. Kinagat ko ang ibabang labi ko at palihim na napangiti.

Makalipas ang kalahating oras ay nakadating na kami sa pupuntahan. Sabay kaming pumasok sa loob habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Kumuha siya ng cart at siya na rin ang nagtulak no'n.

Palihim akong napangiti nang mapagtanto ang sitwasyon naming dalawa. Iniisip ko na mukha kaming mag-asawa sa lagay na ito na para bang naggrogrocery kami para sa bahay naming dalawa. Siya pa ang nagtutulak ng cart habang nakasunod lang sa akin. Napakababaw naman ng kaligayahan ko.

"What do you want?" Kunot noo akong bumaling sa kaniya. Hindi ba siya dapat ang tinatanong ko niyan dahil maggogrocery kami para sa kaniya?

"Ano ba ang mga kailangan mo?" Tanong ko habang tumitingin-tingin ng maaaring bilhin.

"I don't know." Nagkibit balikat lang siya.

Inalala ko na lang ang kung anong wala sa kusina nila. Naalala ko na wala ng mantika kaya hinila ko siya sa kung saan nakalagay iyon. Kinuha ko ang pinakamalaking bote at inilagay iyon sa cart.

Summer Of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon