3

3 0 0
                                    

Kiss

Saglitang halik ay humiwalay din siya kaagad. Gulat ngunit mapupungay ang kaniyang mga mata. Ganoon din naman ako.

Did he just...kiss me? Oh my god.

Hindi pa man nakakabawi ay bigla niya ulit akong hinalikan. Hindi kagaya sa nauna, mas matagal ang ngayon. Isang halik na kailangan ng pagtugon. Kahit pa wala akong karanasan sa mga ganito ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makuntento siya.

Ang isang kamay niya ay umakyat para hawakan ang aking panga so that he can have more access on my lips. From a shallow kiss, it went deeper and deeper until we all went out of breath. Nang humiwalay siya ay pareho kaming hinihingal.

Sinubukan ko siyang tignan ngunit umiwas siya ng tingin. Magsasalita sana ako nang bigla nalang siyang sumisid at lumangoy papalayo sa kinatatayuan namin.

Ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin siya umahon kaya medyo nag-alala ako. Pero nang inangat niya ang sarili niya sa 'di kalayuan, nag-alala na ako para sa sarili ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Sa sobrang lakas ng pagtibok no'n ay may kasama nang sakit na gumuguhit dahil sa hindi kasiguraduhan.

Para saan ang halik na iyon? May nararamdaman na rin ba siya para sa akin?

"Maximo!" Tawag ko. Dahil papalabog na ang araw, hindi ko nakikita ang kaniyang mukha kung hindi ang tanging silhouette niya lang.

"Ahon na tayo. It's already getting dark." Ang tanging sabi niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko bago ako hinila para umahon na kami.

Gusto kong magsalita o magtanong pero hindi ako makahanap ng mga tamang salita. Dapat ba akong magsalita o magtanong man lang? Hindi ba dapat siya ang nagsasabi kung ano ang ibig sabihin ng paghalik niya sa akin kanina?

Pinulot niya ang dress ko at ang damit niyang nasa buhanginan. Binitawan niya ang kamay ko para lang isuot sa akin ang tshirt niya. Malaki iyon kaya nagmistula iyong isang dress na natatakpan pati ang ibaba.

"Dito ka na magdinner. I'll just take you home later."

"Sinabi mo yan noong isang araw pero hindi mo ako hinatid." Naalala ko ang araw bago ang birthday ko.

"Because you just ran out! Wala ka na paglabas ko ng bahay. Nagtanong naman ako sa guard niyo at sinabing nakadating ka na." Oh, hindi ko alam iyon. Tumango na lang ako at sumunod na lang sa gusto niya.

Dumeretso kami sa kwarto niya. Napatigil pa ako nang makalapit kami sa pintuan. Kailangan naming magshower na dalawa dahil naligo kami sa dagat. Hindi naman siguro kami magsasabay ano? Malamang! Bakit naman kami magsasabay?

"Uh. S-sa guest room na lang ako--"

"Ako na doon. Ikaw na dito sa kwarto ko. Kukuha lang ako ng damit."

Dahil sa sinabi niya ay hindi na ako nag-alinlangan pang pumasok sa kwarto niya. Kumuha nga lang siya ng damit na ipapahiram sa akin at pati sa kaniya bago siya lumabas para pumunta sa guest room.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaiisip ng kung ano-ano. Kung dati naman ay hindi ko iisipin iyon! Magiging masaya pa ako na biruin siyang magsabay kami sa banyo dahil alam ko namang hindi siya kailanman papayag. Pero dahil sa halik, bigla na lang akong nailang.

Napahawak ako sa labi ko nang maalala ko ang halik kanina. Kumalat ang init sa buong katawan ko habang inaalala nang mabuti ang detalye ng kaniyang paghalik. Kahit na dumadaloy ang tubig mula sa shower ay ramdam na ramdam ko pa rin ang init sa katawan ko.

Nang matapos ay nagbihis na ako bago lumabas. Isang malaking white t-shirt ang suot ko at shorts na itim. Hindi ko alam kung saan galing ang short na ito dahil saktong sakto lang siya sa akin kaya malamang ay hindi sa kaniya ito.

Summer Of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon