8

3 0 0
                                    

Dad

"Dad, do you remember Maximo Cuevas, my friend since I was a child?"

One night, I decided to talk to Dad about it. Pinuntahan ko pa siya sa office niya at naglakas loob kahit pa nakita kong mayroon siyang ginagawa.

"Yes, I remember. Why?" Hindi siya nakatingin sa akin dahil busy siya sa pagtipa sa kaniyang laptop. 

"Pwede ba siyang pumunta dito?" Dahil sa sinabi ko ay nakuha ko ang atensyon niya. Tumigil siya sa pagtipa at napabaling sa akin. Nagtaas siya ng isang kilay. Bigla akong kinabahan sa tingin na iginawad niya sa akin.

"Bakit mo siya papapuntahin dito? Alam mo namang ayaw kong may pumupuntang kahit sino sa bahay, August."

"I want you to meet him personally. He's special to me, so..." Ngayon naman ay nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko. 

"Special? Is he your boyfriend?" Is he my boyfriend? Hindi ko rin alam ang sagot diyan, Dad! Hindi ko na lang iyon sinagot.

"Gusto kong makilala mo siya, Dad. Please." Nagmakaawa na ako ngayon. He let out a sigh and massaged the bridge of his nose. Hindi ko masabi kung maganda ba ang kakalabasan neto o ano. Pagagalitan niya ba ako?

"Tell him to go here tomorrow afternoon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Really?" Hindi makapaniwala kong tanong. Gusto kong tumalon sa saya pero pinigilan ko ang sarili ko. "Okay, Dad. I'll tell him that."

Kinabukasan, excited akong pumunta sa bahay nila Maximo. May dala-dala akong tupperware na may lamang pagkain dahil kagaya ng sinabi ko ay dadalhan ko siya.

Hindi ko alam kung nakapag-almusal na ba siya ngayon. Alas-otso na kasi nang umaga.

"Hey." Bati niya sa akin. Nadatnan ko siya sa kanilang sala na nagtratrabahong muli sa harap ng kaniyang laptop. Tumayo siya para lumapit sa akin. Yumakap siya sa beywang ko at pinatakan ako ng mga halik.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko. Ngumuso siya at umiling.

"Ano iyang dala mo?" Kinuha niya ang dala ko at binuksan iyon. Pancake, bacon, at hotdogs ang laman ng tupperware. Ipinaluto ko iyon sa mga kasambahay namin.

"Did you cook this?" Nakangiti niyang sabi. Umiling lang ako.

"Hindi." Sa sagot ko ay bigla na lang nawala ang mga ngiti niya. Ngumuso siya, tinakpan na niya iyon ulit at hinila niya ako papunta sa kusina.

"How 'bout you? Did you eat?" Nilapag niya ang tupperware sa dining table bago siya kumuha ng plato at kutsara.

"Yes." Sagot ko. Dalawa ang kinuha niyang plato. At nang nalamang kumain na ako ay ibinalik niya ang isa. Hinayaan ko siyang kumain habang nakaupo ako sa tabi. Ang isang kamay ang ginagamit niya sa pagkain habang ang isa ay nakahawak sa kanan kong binti na tila ayaw niya akong paalisin sa tabi niya.

"May sasabihin pala ako." Napatigil siya sa pagsubo dahil sa sinabi ko at kunot noong napabaling sa akin. 

"What?" Dahan-dahan niyang tanong. Mukhang tinatantiya niya ang itsura ko. Gusto kong matawa dahil mukha siyang kinakabahan. Ano ba sa tingin niya ang sasabihin ko?

"Nakausap ko na si Dad..." Ngayon naman ay binitawan na niya nang tuluyan ang hawak na tinidor at ibinigay na niya ang buong atensyon sa akin.

"And?" He probed. Sa tingin ko kapag sinabi ko ito ngayon ay magyayaya na siyang pumunta sa bahay namin kahit pa sinabi ni Dad na mamayang hapon pa. Alam ko naman kung gaano siya kasabik na makatapak sa bahay namin.

"He said that he wants to meet you this afternoon." Saglit siya napatigil at dahan-dahan ay sumilaw ang mga ngiti sa kaniyang labi.

"Talaga?" Hindi makapaniwala niyang tanong. I pouted when I saw his cute reaction. How can a person be manly and cute at the same time?

Summer Of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon