9

4 0 0
                                    

Sick

Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Si Dad ay nakaupo sa kabisera. Ako naman ay nasa kaliwa niya at si Maximo ay nasa kanan, sa tapat ko. Akala ko magiging tahimik ang buong gabing ito pero nabasag lang iyon nang magsalita si Dad.

"How's your Mom and Dad Maximo?" Tanong ni Daddy sa kaniya. Medyo nagulat pa ako doon dahil hindi ko naman alam na magkakilala pala ang mga magulang namin. Malamang dahil kilala naman ang pamilya nila Maximo sa buong bayan. Hindi ko na dapat pang pagtakhan iyon.

"They are fine po. They're both in Manila to take care of our company, Sir." Pormal na sagot naman ni Maximo. Tumingin siya sa akin pagtapos magsalita ngunit saglit lang iyon at ibinalik na niya ang tingin sa kaniyang pagkain. Si Dad naman ay napabaling sa akin.

Bigla akong nahiya lalo na nang maalala ko ang kamuntikan pang pagkahuli sa amin ni Dad! Mabuti na lang at hindi pa kami talaga nagkakahalikan at hindi niya naman nakita kung ano ba ang dapat naming gagawin sa mga oras na iyon.

"You're studying in Manila, right? What program are you in?" Muling tanong ni Dad sa kaniya.

Natutuwa ako sa set-up namin ngayon. Mukha namang interesado si Daddy na kilalanin itong si Maximo. At mas lalo akong natutuwa sa kadahilanang ngayon ko lang ulit nakasabay si Daddy sa hapagkainan. Palagi ko kayang yayain si Maximo dito para laging sumabay si Daddy sa amin sa pagkain? But I doubt that this will happen again dahil alam kong pinagbigyan lang ako ni Daddy sa araw na ito.

"Yes, Sir. I'm currently taking Civil Engineering at 3rd Year na po ako." Tumango-tango ako na para bang ako ang kausap niya.

"Oh? So you're planning on managing your company, then?"

"Yes, Sir." Tumango si Daddy at pagkatapos ay muli kaming natahimik. Pakiramdam ko napaka-awkward ng hangin sa pagitan naming tatlo. Hindi ko iyon kinakaya kaya naisipan kong magsalita.

"Uh, Dad? Pwede bang pumunta dito si Maximo anytime?" Maingat kong tanong. Nakita ko ang agarang pagbalin ni Maximo sa akin na para bang nagulat siya sa tanong ko. Nagtaas naman ng isang kilay si Daddy sa akin.

"H-hindi ba mas maganda kung s-siya na lang ang pumupunta dito, imbes na ako ang pumunta doon?" Kinabahan na ako dahil sa hindi maipintang itsura ni Dad. Dapat ba ay hindi ko na lang sinabi iyon?

"It's fine, ija. As long as it's Maximo."

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa sinabi ni Dad. Nakangiti akong tumingin kay Maximo.

Happy? You can go to our house freely now! I told him in my mind.

Ganoon lang pala iyon kadali. Dapat pala ay matagal ko nang sinabi ito kay Daddy.

Maayos ang naging hapunan namin sa gabing iyon. Nauna nang umakyat si Daddy sa office niya habang si Maximo naman ay tumulong sa pagliligpit ng pinagkainan kahit pa sinabihan ko na siya na huwag na.

"Umuwi ka na." Giit ko nang matapos siya. Niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan ako sa pisnge.

"I was scared of your Dad." He told me honestly. Natawa naman ako. "But I'll be here tomorrow morning. Iyong tipong tulog ka pa."

Kagaya nga ng sinabi niya, maaga pa lang ay nasa bahay na siya. Kakagising ko lang at mukha niya kaagad ang bumungad sa akin, nakangiti siya habang nakahiga sa tabi ko.

"Good morning." Masaya niyang sabi. Kumunot ang noo ko bago ko siya hinampas sa kaniyang braso. Masyado naman ata siyang maaga at tipong hindi pa ako nakakamulat ay nandito na siya!

"Kakagising mo lang nananakit ka na kaagad." Reklamo niya. Bumangon ako at nag-ayos ng sarili. Siya naman ay bumangon din pero nanatiling nakaupo sa aking kama. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Oversized shirt at panty lang ang suot ko.

Summer Of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon