1

8 0 0
                                    

Birthday

"What are you doing?" Inilayo ni Maximo ang kaniyang mukha nang umamba ako para sa isang halik. Ngumuso naman ako at umiwas ng tingin.

"Kiss!" Hindi ko na itinanggi. Sanay naman na siya sa mga ganito ko. For a moment, I just thought that he would give in this time! Well, I was wrong, alright!

"August!" Dismayado siyang umiling at lumayo na. Kunot noo pa rin siya at mukha pa ring galit.

"Huwag mong ipatapon ang cake at kakainin ko!" Pang-iiba ko ng usapan.

"No." Mariin niyang sinabi. Wala na akong nagawa dahil naglakad na siya paalis pati na rin ang kasambahay nila na nakita pa ata ang pangyayari kanina. Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang baso ng tubig at iniabot niya iyon sa akin.

"Here." Masungit pa rin siya. "Dito ka na kumain ng hapunan, nagpaluto ako nang madami."

Pagkaabot ko ng tubig ay umalis ulit siya. Mabilis akong uminom doon para sumunod sa kaniya. Nakita ko siyang nasa hagdanan na kaya umakyat din ako. Sinundan ko siya hanggang sa kwarto niya.

Nilagpasan ko siya at mabilis na tumungo sa kama niya. Humiga ako roon at inilatag din ang kamay ko para damahin ang lambot no'n. Palagi naman akong nandito sa loob, kasama siya, kaya hindi na ito bago.

"Ayos naman iyong cake na ginawa mo, makakain naman." Panimula ko. Pakiramdam ko kasi masama pa rin ang loob niya tungkol doon. Ginawa niya iyon para sa akin. Nageffort siya pero nilait ko lang at tinawanan. Nakakakonsensya.

"Bakit mo pa kasi pinatapon? Uubusin ko iyon!" Dagdag ko. Umupo ako para tignan siya. Nakatayo lang siya mula sa malayo, nakahalukipkip, at nakatingin sa akin. Umiling siya at naglakad papunta sa solo chair na nasa kwarto niya. Umupo siya roon, busangot pa rin ang mukha.

"Salamat." Sincere kong sabi. 

During my birthdays, he would always make efforts like this. Usually, he would buy me cakes or cupcakes kaya hindi ko rin inakala na gawa niya pala iyon kanina. Naappreciate ko ang simpleng bagay na ginagawa niya sa tuwing birthday ko, lalo na syempre dahil siya. Kahit bigyan niya lang ako ng isang kandila para hipan ay matutuwa na ako at masisiyahan.

Hindi niya ako pinansin at inabala ang sarili niya sa kaniyang cellphone. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Hindi niya pa rin ako ginagawaran ng tingin kahit pa nakatayo na ako sa tabi niya. Para mapansin niya, ay isiniksik ko ang sarili ko sa tabi niya kahit pa alam kong napakaimposibleng magkasya kaming dalawa doon. Mukhang saktong sakto lang siya doon at hindi na ako kakayanin pa.

"August!" Suway niya ngunit hindi ako nagpapigil.

Dahil sa kakulitan ko, mabilis niya akong naiangat at pinaupo sa kandungan niya. Ipinatong niya ang kanang braso sa aking kandungan dahil patagilid akong nakaupo.

"What?" Nagtaas siya ng kilay. Napatingin ulit ako sa kaniyang mapupulang labi. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na tumingin doon!

"I'm sorry for what I've said earlier. I really appreciate your effort. Kakainin ko naman talaga yun kahit ganoon, eh." Ngumuso ako.

"Anong ganoon?" Mas lalong kumunot ang noo niya at matalim akong tinignan. I can help but be mesmerized by the features of his perfect face. His crescent-of-moon eyebrows were thin and narrow. The aquiline nose he sported complemented his prominent cheekbones. Handsome in an understated way, his basalt jaw and Spartan shoulders spoke of strength. With eyes as bright and spellbinding as lodestars, they bewitched all those who fell under his steady gaze. However, his overall look screams ruthlessness and authority.

"W-walaa. Basta kakainin ko yun! Ipinatapon mo na ba talaga?" Malungkot kong sabi. I can't helpt but to feel guilty that his effort just went to waste.

Summer Of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon