Drug
Warning - R18
Sa tuwing magkasama kami ay wala na kaming ibang ginawa kung hindi ang maghalikan. Humahanga ako sa kakayahang magpigil ni Maximo dahil sa ilang araw kaming ganoon ay hindi pa kami nakakalagpas ng 2nd base.
His kisses are so addicting. Para itong isang droga na laging hahanap-hanapin at nakakapanghina kapag wala. Naaalala ko tuloy ang mga araw na ayaw niya pa akong halikan kahit pa pilitin ko siya. Iyon ay dahil ba wala pa ako sa tamang edad?
"Kailan pa tayo makakaalis?" Ang sabi ko sa gitna ng halikan naming dalawa. Paano ba naman kasi, kanina pa kami nakasakay sa kaniyang kotse ngunit hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakaalis dahil nalunod na naman kami sa halik ng isa't isa.
"You're so addicting. I can't help but kiss you."
At dahil doon hindi pa kami tumigil. Hindi pa ata kami makakaalis kung hindi lang ako bumitaw at pinilit siyang umalis na.
Ngayon ay pupunta kami sa bayan para bumili ng mga kakailanganin namin sa paggawa ng cake. Pwede naman namin itong iutos sa kasambahay nila pero ako ang namilit sa kaniya na kami na lang ang bibili. Para rin mafeel talaga namin ang paggawa.
"Nilista mo ba ang mga bibilhin?" Tanong ko sa kaniya. Kanina kasi ay sabay kaming nanuod ng tutorial sa youtube kung paano gumawa ng cake at sinabi ko sa kaniyang ilista niya ang mga kailangang bilhin.
"I have a screenshot on my phone." Itinuro niya ang cellphone na nakalagay sa harap. Kinuha ko naman iyon para tignan. Nagpunta ako sa kaniyang gallery at hinanap ang kaniyang tinutukoy.
Isinaulo ko iyon kahit pa titingin at titingin din naman kami dito mamaya habang bumibili. Iniisip ko lang kung paano namin bibilhin ang mga ito nang madalian. Kung ano-ano ang bibilhin sa iisang tindahan o kaya ba itong bilhin ng isahan.
Habang tinitignan ko ang iniscreenshot niya ay bigla na lang may nagnotif sa kaniyang cellphone. Bumilis ang tibok ng puso ko nang saglitang mabasa iyon dahil nawala rin bigla.
"Sino iyon?" Tanong niya. Agad kong ibinalik ang kaniyang cellphone sa pinagkuhaan.
"Hindi ko alam. Hindi ko nakita." Pagtanggi ko. Sumandal ako sa bintana at tumitig na lang sa labas.
Isang mensahe galing sa isang babaeng nagngangalang Kaye ang nakita ko kanina. Hindi ako sigurado sa nabasa pero parang may nabasa akong 'I miss you' doon. Tama ba ang pagkakabasa ko o akala ko lang iyon? Sana nga ay inaakala ko lang iyon.
Sa bilis ng pagtibok ng puso ko, sumabay doon ang pagguhit ng sakit. Biglang bumigat ang pakiramdam ko at nawalan na ako ng gana sa dapat na gagawin namin ngayon. Pero hindi ako nagpahalata.
"Tara na." Nang makarating kami sa palengke ay nauna siyang bumaba. Huminga ako nang malalim bago sumunod. Hinawakan niya ang kamay ko at iminuwestra na mauna ako sa paglalakad.
Hindi ko gaanong saulo ang palengke dahil minsan lang naman ako pumunta dito pero natatandaan ko naman ang ilan.
"Did you memorize the ingredients? Here." Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya. Tinignan ko iyon saglit bago tinanggap. Pagkapindot ko ay bumungad sa akin ang message na iyon na nasa kaniyang lock screen.
Kaye:
I miss you. When will you go back?Hindi nga ako nagkamali sa nabasa kanina. Mas lalong sumakit ang puso ko. Gusto kong ibalik sa kaniya ang cellphone niya o itapon sa pagmumukha niya. Pero pansamantala kong isinantabi ang nararamdaman.
Binawi ko ang kamay ko sa kaniya para hindi mahirapan sa pagmamanipula sa kaniyang cellphone. Tinanggal ko ang notification na iyon para hindi niya akaling nabasa ko at nagtungo na kami sa pamimili ng mga kakailanganin namin na para bang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Summer Of August
RomantikWarning - R18 August is in love with her childhood friend ever since. One summer, everything changed between them after they shared a kiss in front of the sea as the upper limb of the sun disappears below the horizon. She didn't know what it was for...