Nagising naman ako at wala na si Kyro sa tabi ko, tabi na kaming natulog kagabi. Napatayo naman ako ng maalala ang pinaggagawa namin kagabi para kaming magjowa, lalo akong nataranta ng maalala na umamin sa akin si Kyro gabi.
Kinuha ko naman ang cellphone sa side table at binuksan ko ang data ko at nagulat sa dami ng chat, text at tawag na natanggap ko, 8:30 palang ha. Halos lahat ito ay galing kay Mira at sa mga magulang ko kaya napakunot ang noo ko. 40 minutes ago palang naman ang mga ito at nagulat sa nabasa ko.
From: Amiralandi
Hoy! Alam kong kasama mo si Kyro pero bumangon kana muna diyan! You didn't tell me that ako yung alam na kasama mo!
Tumawag bigla si tita then sinagot ko malamang yun yung nag-iri sayo, then tinanong niya sa akin kung nasan ako siyempre sabi ko nasa Bataan ako tapos nagtaka siya sabi niya *Bataan? Amira kasama mo ba si Ely?* ganon then sabi ko hindi po kasi kagigising ko lang din!!
Hinahanap ka fbisnfkd nasa bahay sila, dito sa Manila!
Gaga gising, hindi ko naman masabi na si Kyro kasama mo!!
HOY!
Andami ding missed calls, hindi ko na binasa ang text nila mommy at daddy. Nagmadali akong mag-ayos at paglabas ko ay inabutan ko si Kyro na nasa kusina, nagtaka pa ito dahil natataranta ako. Inayos ko na naman ang mga gamit ko, hindi ko dala ang sasakyan ko!
"Hey, what's the problem?" tanong nito sa akin at nagtatakang tumulong nalang ito sa akin na parang natataranta na din, hindi ko naman ito nasagot dahil natataranta na ako. Alam ko namang makakapasok yung mga yon dahil meron silang spare key ng bahay "Is it something about I said last night, I'm serious with that walang mababago don. El talk to me" he said and grabbed my wrist at hinarap ako sa kanya
"Start your car now" I said at him, kumunot ang noo nito saakin nang nakit niya na seryoso ako ay hindi na ito ulit nagtanong at lumabas na, binitbit ko na naman ang tripod ko at ang isa kong bag. Maya-maya ay binalikan ako ni Kyro "Ako na, lock your doors muna" I said dahil kukunin niya sana ang bag ko
"Okay so now, can you tell me what is happening?" he asked me in a concern and confused tone
"My parents, nandito sila sa Manila nag-aantay sa bahay" I explained at tumango naman ito, kinuha ko naman ang phone ko sa bag at cinontact si Mommy wala pang ilang segundo ay sumagot na ito
[Eloise where are you? Sino kasama mo?] she asked me in a calmed voice [Anak mo na ba yan? Did she say who is with her?!] narinig kong sigaw ni Dad kaya nilayo ko agad ang cellphone malapit sa tenga ko
BINABASA MO ANG
Last Photography
FanfictionPhotos has been captured by Eloise Credo, her comfort zone was her photos. She's been taking photos since her highschool days, and pursuing her dreams as a professional photographer. A woman that has been affected by her past traumas, Not until he a...