15

13 3 0
                                    


"-Exciting naman!" Mira singing along with some Tiktok trend, habang inaantay si Zaire. Si Zaire ang susundo samin dito, kasama niya na din si Kyro. After ng Pangasinan namin dumiretso na ulit siya for some paperworks in Shivaza.



And kahapon sinabihan ko na kay Zaire na siya dumiretso para hindi na siya magpabalik at balik at makapagpahinga muna.  Our Pangasinan outing was nice, I really enjoyed seeing the three of them enjoying. And of course I love to have new memories with my guy. Dahil after nito baka magfocus muna siya for Shivaza. 


"Hey!" Zaire happily greeted pagkapasok sa bahay, inantay ko naman yung kasunod pero wala, napansin naman ata ni Zaire na tinitignan ko ang pinto. "In the car, sleeping." he said kaya tumango ako.



Tumango naman ako at binitbit na ang bag ko, palabas na sana ako ng kinuha ni Zaire yung dala kong bag. 



"El, mauna kana don. Backseat siya, ako na" he insisted and I smiled at him, lumabas naman kaagad ako at pumasok sa sasakyan. Napangiti ako ng nakita ko itong mahimbing na natutulog habang may yakap pang unan. He's wearing plain black hoodie and joggers. Dahan-dahan akong tumabi dito at sinandal ang ulo niya sa balikat ko para hindi gaano mangalay. 



Inayos na naman ni Zaire at Mira ang mga gamit sa likod at pumasok na din kaagad. Nagsimula na namang magdrive si Zaire at si Mira naman ay dinadaldal lang ang jowa niya, ang ingay talaga ng bunganga. Narinig ko naman ang mahinang paghikbi ni Kyro kaya napangiti ako. Napatingala ito at dahan-dahang dumilat at mukhang nagulat pa ng makita ako. 



"L-love." he groaned, at yinakap ako ng mahigpit. "I miss you."


"Miss you too, just sleep. I'm here." saad ko at hinaplos ang ulo nito, tinanggal na naman nito ang unan at saakin na yumakap, hinalikan ko ito sa noo habang nakasandal pa din sa balikat ko. 


"You smell so nice."


"Siyempre, ako pa" I chuckled, mas humigpit ang yakap nito.



Maya-maya lang ay bumalik na ito ulit sa pagtulog, hindi ko lang napansin na nakaidlip na din ako. Nagising ako at nakahinto na ang kotse wala ang dalawa sa harapan at tulog pa din si Kyro. Ginising ko na ito dahil mukhang nangangalay na din sa puwesto ng ulo niya.



"Love,Ky..." I said waking him up, napatingin naman ito at umupo ng maayos. "Hi." I smiled at him and hugged him, pagkabitaw ko ay inayos ko ang buhok nito habang nagkukusot pa ito ng mata.



Pumasok na naman si Mira kasunod si Zaire, may dala itong tubig at snacks, mukhang malapit na din naman kami sadyang nagutom na ata sila. Inabutan nila kami ng kape at cookies at nagsimula na ding kumain.




"Mga 10 minutes siguro nandon na tayo." Zaire said while sinusubuan ito ng pagkain ni Mira, si Kyro naman ay busy magmuni-muni sa bintana habang nasipsip ng kape niya. Sumandal naman ako dito at napatingin ito at umakbay saakin.

Last PhotographyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon