“Hi. . .”
Nagulat na lang ako nung biglang may nagtext sa akin na hind nakaregister ang number. Naisip ko baka mga dati kong kaibigan na nagbago ng number pero kabisado ko ang way of text nila kaya sigurado akong hindi ko kilala ang nagtext.
Second to the last subject na at nasa AES na kami nun. Pansamantala muna kaming dun nagstay para sa um-attend sa lessons dahil nililinis pa ang school. Pagkatapos na pagkatapos ng fiesta eh dun na kami pinapasok. Hindi na sa gym. Kaya naman medyo nalungkot ulit ako. Hindi ko na kasi siya makikita ng madalas.
“Rizza, kanta ka naman para sa darating na teacher’s day.” Sabi sa akin ni Mrs. Cristobal, teacher namin sa A.P.
“Po? Eh ma’am, wala po akong alam na kanta.” Sabi ko na lang.
“Imposible naman, sige na sample dito ka sa unahan.” Tumayo naman ako kahit na nahihiya.
“Ah eh, ano po bang kakantahin ko?” tanong ko.
“Coke. Yung coke ulit.” Sabi nung iba. Tumatawa pa nga sila eh. Nagkaroon kasi kami ng activity dati na gumaya ng isang commercial. At napili namin yung coke na si Nikki Gil kumakanta dun. Dapat talaga hindi ako ang kakanta, kaso nagkaroon ng problema sa “Nikki Gil” namin nung panahon na yun at nawalan siya ng boses kaya ako na lang. No choice ulit. Ako daw kasi ang nakakalam ng sequence.
Tumawa naman ako. “Mam, bigay na lang kayo ng kanta. Ano bang favorite song niyo?” tanong ko.
“Maybe this time, alam mo ba yun?” sabi niya.
Tumango ako at ayun, kumanta na ako kahit hindi ko alam ang lyrics.
“Dude!” bati ko kay dude. Sakto, hinihintay nila ako sa labas ng room. Hindi pa kasi nagsisilabasan ang section three. Dun kasi ang room namin para sa computer subject, kung saan classmate kami ni Gian.
“O dude? Late na yata kayo pinalabas?” tanong niya.
“Eh wala eh. Pinahiya pa ako sa unahan eh.” Sabay naman ang tawa ko. “Oo nga pala, kilala mo ba kung kaninong number ito?” nilabas ko naman ang cellphone ko at ipinakita ko ang unregistered number na nagtext kanina.
Dinial ni dude ang number pero hindi din nakaregistered ang number. “Hindi eh. Text mo na lang kung sino yan.”
“Ay ganon? Sige salamat.” Sakto, lumabas na yung ibang estudyante sa room ng section three. Yung iba naiwan kasi computer subject din next subject nila.
Habang nagdi-discuss si Mam Eloi sa unahan, palihim kong kinuha ang cellphone ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ko kinuha yung cellphone na iyon kahit anytime pwedeng makumpis.
Dahil may extra load naman ako, tinext ko na yung kaninang nagtext sa akin na hindi ko naman kilala.
