“I love you, too.”
Sa wakas, nasabi ko na din sa kanya. Graduation day yun eh. May halong takot pa nung sinabi ko sa kanya na mahal ko din siya kasi baka marinig ni mommy na busy na kumakain sa loob ng room.
Alam mo bang umasa ako nun na ipapakilala mo ako sa Parents mo? Kaso hindi pala.
May binigay akong sulat sa kanya. Isang sulat na may kasamang cellchain na bear. May ganun din ako eh, para pareho kami. Tapos, may binigay din siyang sulat sa akin. Isang sulat na nasa white envelope. Ang laki nga eh, hindi ko nga alam kung matatawa ako noon oh hindi. Pero natuwa ako, kasi nag-effort pa siyang magsulat.
“Ang ganda ng sunset ano?” nung tinanong ko sa kanya yun, gusto kong sumandal sa balikat niya. Kaso ang hirap, kasi magkapantay lang ang balikat namin eh.
Actually, first date ever ko yun. Nagpunta kami sa favorite place ko. Nung una, kaming dalawa lang sa tower, tapos nung nagkatao, sabi ko sa kanya pumunta kami dun sa gilid para mapagmasdan ng maayos ang sunset. Ginawa naman namin.
Walang candlelight dinner, wala ako sa fancy restaurant, walang sweet music at red wine, walang formal na suot, pero iyon ang pinaka the best na date para sa akin. Wala nang makakatalo dun, kahit na ilang beses pa akong makipag-date (kung may makakadate pa ako, pero mukhang wala naman) dahil perfect na.
Kasama ko ang taong mahalaga sa akin, katabi ko, kausap ko pa, at sabay naming pinanood ang paglubog ng araw.
Yun lang, sapat na.
Dahil makasama ko lang siya, sapat na.
Pero siyempre, lahat naman ng tao hindi nakukuntento.
Kaya yung akala kong sapat na, kulang pa pala.
