February

898 30 4
                                        

“Ingat…”

 

Gustong gusto ko sanang sabihin sa kanya yan nung paalis na siya ng bahay. Kaso nahihiya ako at hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya yun. February 4, 2010. Thursday yun, nung unang beses nya akong inihatid sa amin.

Para pa nga akong timang nun kasi kinakabahan ako. Paano kapag nakita tayo ni daddy? Anong sasabihin ko kapag  nagtanong si Mommy?

Pero wala na, inihatid na niya ako. Kasama pa nga yung mga kaibigan kong nasa likod lang namin na kinikilig-kilig pa. Parang timang talaga ‘di ba? Nasa likod sila at nagkakantyawan habang kami tahimik na naglalakad, hawak hawak ko ang mga gamit ko at hawak hawak naman niya ang payong para hindi kami mainitan.

“Ah, dito na pala ang bahay namin.” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung papapasukin ko ba siya oh hindi na.

“Sige, mauna na ako.” Sabi niya. Ngumiti pa siya bago tuluyang umalis.

Siyempre, sinigurado kong nasa kanto na siya bago ako pumasok ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko nga, bumungad si mommy nang nakangiti. Parang alam ko na ang ibig sabihin nun. Pero hindi ko muna sinabi na nililigawan ako ni Gian. Natatakot kasi ako. Pero sinabi ko naman sa kanila. Hindi ko nga lang siya napakilala ng maayos.

Pero masaya ako tuwing uwian. Kasi nasosolo kita nun. Kahit na punong puno tayo ng asar mula sa mga classmates ko at sa mga kaibigan mo.

 

DOTA. Tuwing naririnig ko ‘yan naasar ako. Mahilig kasi siya diyan sa larong ‘yan. Lalo pa akong naasar yung nauso yung kanta na…

“Bakit ba ganyan, mas mahal mo pa ang dota.”

At tuwing naririnig ko yun natatawa ako na nagagalit. Naglaro naman ako ng DOTA dati, pero nung lumabo ang mata ko, tinigil ko na. Isa pa, ang sagwa daw sa babae ang naglalaro ng ganun. Kaya naman tinigil ko na. tapos malaman-laman ko, si Gian pala adik din dun. Pero sabi nila, ako daw ang nakapagpabago sa kaniya.

Hindi na kasi siya nakakapaglaro kasi palagi niya akong hinahatid.

Hindi na kasi siya nakakapaglaro dahil palagi niya akong katext.

At hindi na daw siya naglalaro dahil ayaw ko daw nun.

Pero hindi ako naniniwala. Syempre alam ko naman na naglalaro pa din siya. Hindi naman ako nagagalit. Hindi ko naman sinabing tumigil siya eh. Pero ang sweet lang kasi, sinubukan niyang itigil ang kaadikan na iyon para sa akin.

Simula nun, palagi na niya akong hinahatid pauwi. Nakakatuwa nga at kilala na siya ng kapatid ko at ng ilan kong pinsan. Pero hindi pa nila mommy at daddy. Naikuwento ko naman na sa kanila yun pero parang wala naman silang reaksiyon. Nasabi ko na din kay Mama about sa panliligaw ni Gian pero sabi n Mama huwag daw muna. Pero hindi ko sinunod. Kasi gustong gusto ko na talaga siya nung mga panahon na iyon.

Ayoko nang magkalayo pa kami.

***

“I love you…”

 

February 27, 2010. Prom night. At siya ang first dance ko. Isang memorable daw for me dahil narinig ko sa personal yung mga salitang pinapangarap ko lang marinig dati. Akala ko wala nang lalaki ang magsasabi sa akin nang mga salitang iyon. Pero nagkamali ako, dahil nakilala ko si Gian at siya ang tumupad nang pangarap ko na iyon.

Sabi ni bhessy ang swerte ko daw. Kasi nakatagpo ako ng lalaki na hindi tumitingin sa panlabas na anyo. Isa sa mga dahilan kung bakit dati, iniisip ko na hindi na ako magkakalovelife eh dahil sa itsura ko. Lahat ng kaibigan ko maganda, ako lang yata ang hindi. Pero sabi nila maganda daw ako, wala nga lang self confidence na mag-ayos. Naniniwala kasi talaga ako na hindi importante ang pag-aayos para makahanap ng isang taong magmamahal sa iyo. At tama naman ako.

Kasi nahanap ko naman si Gian Beau.

Nung sinabi niya yung three magic words na yun, hindi ako nakareact. Hindi nga ako nakatingin sa mata niya eh. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang sasabihin. Nag-thank you na lang ako. Hindi pa kasi talaga ako handa na sabihin sa kanya ang mga salitang ‘I love you, too’ dahil baka hindi pa ganun ang nararamdaman ko nung mga panahon na iyon.

In-enjoy ko na lang ang tatlong kanta habang nagsasayaw kami.

Sayang, hindi ko natandaan ang title ng tatlong kanta na ‘yon.

July [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon