September

1.2K 35 5
                                    

"Madaldal ba ako nung nasa Angono Cave? Kasi para kang bata nun na walang alam kaya kinukuwentuhan na lang kita." (from a letter, April 3, 2010)

Tour & Recollection.

“Dude! Nakita mo ba siya?” tanong ko kay Dude. Nasa Enchanted Kingdom kami at nakapila sa Anchor's Away (or malapit dun). Siya ang kasama ko imbes na ang mga ka-section ko at si bhez dahil iba ang trip nila. Ako, mas gusto kong mapag-isa. Pero dahil takot akong maging loner, sumama ako kay dude – na gusto din naman mapag-isa. Kaya ayun, nagsama na lang kami.

“Kanina dumaan eh. Hindi mo ba nakita?” tanong sa akin ni dude pabalik.

“Hindi eh. Sayang.” Sabi ko na naman. Parang yun din ang sinabi ko nung nasa Tagaytay picnic groove kami habang kumakain.

Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahanap-hanap na kita simula nun. Tapos, palagi nang ikaw ang laman ng gm’s ko. Ikaw nga ang signature ko kada texts eh. Pero siyempre, initials mo lang para hindi halata. GBpalagi ang dulo ng texts ko. Nagsimula na ngang magtanong ang mga kaibigan ko kung ano daw ang ibig sabihin ng Gb.

Pero sabi ko God Bless yun.

O ‘di ba double meaning? Kahit masama man, dahil ginagamit ko ang pangalan Niya sa kalokohan ko, tinuloy ko pa din.

 

“Dude ngumiti siya sa akin!” nung time na ‘yon, nakasalubong namin si Gian nung papunta kami ng Juggle log. Hindi naman ako sigurado kung ako nga ba yung nginitian niya pero masaya ako kasi nakita ko na naman siya nung araw na iyon.  Ewan, hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Naisip ko ngang nababaliw na ako dahil sa ginagawa kong lihim na kinikilig kada nakikita ko siya.

Lalo naman nung recollection, para akong timang na sinusundan siya nung pauwi na kami.

“Bhessy, Dalian mong maglakad.” Hinihila-hila ko naman si bhessy para maabutan ko siya.

“Bhessy dahan-dahan lang, bakit ka ba nagmamadali?” tanong ni Dianne, ang best friend ko.

Sadyang palakabigan yata ako nung highschool at ang dami kong best friend. Si bhez Irene, best friend ko na siya elementary pa lang. Si Lei dude, well, more than close friends kami pero hindi kami mag best friends. Dahil daw mag-dude kami kaya ganun. Naging close kami nung second year. At si bhessy Dianne, naging best friend ko siya nung first year.

“Eh mag-gagabi na oh. Baka abutin tayo ng dilim sa daan.” Palusot ko. Ang gusto ko lang talaga eh makita ko siya bago umuwi. Hindi sapat yung labing dalawang metrong layo namin nung nasa recollection.

“Bhessy, marami pa tayong kasabay kaya huwag kang magmadali. Ikaw ah, may sinusundan ka yata eh.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

Napabagal naman ang lakad ko. Ayokong ipahalata na may sinusundan ako nun. “Ah sige na nga, bagalan na lang natin.”

Kaya naman hindi ko na siya nakita bago ako umuwi. Sayang, malapit na sana kami nun eh. Kaso nakakahiya naman kay bhessy kung kakaladkarin ko siya para lang makasilay ng mas malapit.

“Bhessy, may crush ka dun ano?”

“Ha?” kuwari hindi ko narinig.

“Dun kay Gian Beau, may crush ka dun ano?” tanong niya.

Ngumiti na lang ako sa kanya at sinabing.. “Bhessy, tawag tayo nila Kath dun! Tara dun tayo.” ayoko kasing malaman nila na may bago akong crush. Baka kasi bigla nilang sabihin sa kanya yun lalo na’t may friend akong may boyfriend na classmate ni GB. Mahirap na.

Pero sa totoo lang. Gustong gusto ko na siyang kausapin nun. Kaso wala eh, hindi ko alam kung papaano lalapit.

“Bhessy, gusto mo hingin ko ang number niya para sa iyo?” tanong ni Dianne sa akin.

“Ha? Bakit naman mo naman kukunin ang number niya at ibibigay sa akin?”

“Kahit naman hindi mo sabihin eh alam kong may crush ka dun. Ramdam ko po. Saka, friend siya nila Doner kasi palaging nag Do-DOTA kaya ano, gusto mo ba?” alok ni bhessy.

Ngumiti naman ako. “Huwag na lang. Hindi ko naman siya ite-text.” Sabi ko.

Pero nung moment na iyon, gusto kong sabihin na oo, gusto ko.

Pero siyempre hindi na lang.

 

Wala akong lakas ng loob.

 

July [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon