March

867 29 4
                                    

“Rizza, kailan mo siya sasagutin? Malapit na ang Graduation.” Sabi sa akin ni Kath.

“Hindi ko pa alam eh.” Sabi ko naman.

Napaisip ako dun, malapit na ang Graduation. Baka hindi na kami magkita. Baka malimutan niya na nililigawan niya ako. Baka malimutan niyang mahal niya ako at makahanap siya ng mas maganda at karapat-dapat na mahalin kesa sa akin.

Kaya naman nung araw na ‘yon, napagdesisiyunan kong itext siya.

“Pupunta ka ba?” tanong ko sa text. Graduation kasi namin sa CAT. Dahil boyscout siya, hindi siya kasama sa amin.

“Oo, dadaan lang ako. Pero promise magpapakita ako.” Sabi niya.

Umasa ako nung araw na iyon, pero hindi naman siya nagpakita. Tinanong ko yung isa kong friend at sabi niya sa akin eh nakita daw niya si GB na nasa school nung araw na iyon. Kaso umuwi daw bigla.

Nainis ako sa kanya. Sabi niya kasi magpapakita siya pero hindi naman siya nagpakita. Sayang, 23 pa naman nung araw na yun. Gusto ko pa naman na sana siyang sagutin kaso wala naman siya.

Kaya nung pagkauwi namin, agad akong nag GM. Sabi ko sa GM ko, naiinis ako. At kahit na hindi siya nagpunta nung araw na iyon, ‘YES’ pa din ang magiging sagot ko.

Nakatulog ako ng mahimbing. Hindi pa nga ako nakakaligo nun kahit pawis na pawis na ako. Siguro dahil sa sobrang pagod.

Bigla na lang akong ginising ng kapatid ko at grabe siya kung makangiti sa akin.

“Bakit?” tanong ko.

“may naghahanap sa iyo.” Ngumisi pa siya. Halatang nang-aasar.

Agad naman akong bumaba, hindi pa nga ako nakakapaghilamos, hindi ko naman kasi inaasahan na si Gian pala ang naghahanap sa akin. Biruin niyo, mula Pag-asa hanggang sa amin eh tinakbo niya daw para lang makahingi ng sorry dahil sa hindi niya pagpapakita nung hapon.

Natatawa nga ako na ewan. Kasi parang mangiyak-ngiyak na siya nun.

Nasabi ko na lang sa sarili ko, “totoo ngang mahal ako ng lalaking ito.”

 

***

“Oo na,” sabi ko. “Ha? Anong oo na? Wala naman akong tanong ah?” sabi niya.

Ang sarap niyang sapakin nung araw na iyon. Natatawa-tawa pa siya. Hindi niya alam kung gaano kahirap para sa akin ang sumagot sa kanya kahit wala naman siyang tinatanong. Para siyang timang, napahiya ako dun. Pero kahit na ganun, siguro nagets naman niya ang ibig kong sabihin.

Sinundo niya ako sa amin. Nalimutan ko na kung ano ang meron sa araw na iyon. Senior’s week yata? Hindi ko na tanda. Basta ang natatandaan ko na lang eh yung sinabi ko sa kanyang “oo na” hindi ko makakalimutan yun. Pinahiya niya ako ng bongga.

Pero masaya ako na nasabi ko sa kanya yun.

Oo nga pala, hindi ko na natandaan kung ano ang nauna pero, isang beses after ng isang program kung saan kumanta sya at nanalo siya (contest kasi yun, sa banda at sa individual) eh hinatid niya ako sa amin. May nakasalubong kami, ay hindi, nakasabay pala. Taga sa amin din. Yung tingin nung babae, nakakainis. Pero natutuwa ako kasi parang natutuwa siya sa amin ni Gian. Mukha yata kaming mag-ate dahil sa malaki ako.

Pero wala akong pakialam,

gusto ko lang syang makasama nung araw na iyon.

July [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon