Chapter 34

424 14 7
                                    

Nanggigil na napaupo si Era sa swivel chair niya. She cannot believe na naisahan siya ni Michelle.

She grabbed her neck pillow, bit it hard and screamed.

"ARrrgghh!!! You may won now, but ill fight back!"

Words cannot express what she is feeling right now! Her chest is heaving heavily.

Naghahalo ang galit, gigil, at inis niya para kay Michelle! Ito pa may ganang manggipit sa kanya?!

Eh dahil dito kaya hindi magawang tuluyang maging masaya ni Zenith! Iniipit nito si Zenith!

Napatayo siyang muli at naglakad lakad sa loob ng kanyang opisina.

Malamang na ginagamit nito ang kasal at kakayanan sa lipunan kung kaya hindi magawang iwan ito ni Zenith para sa kanila!

'the nerve of that selfish woman!'

Hindi ba nito naiisip na she is depriving her son his right to have a complete family dahil sa pagiging makasarili nito? Why does she have to keep Zenith kung alam naman ni Michelle na hindi siya tunay na mahal ng asawa? Nagtatagis ang kanyang mga bagang sa inis.

She wanted to scream out her frustrations. Hindi niya matanggap na naisahan siya ni Michelle!

The triumphant look on her face a while ago makes her blood boil right now. Kung maari lang niyang kalmutin ang magandang mukha nito ay ginawa na niya kanina!

Kahit kailan ay hindi niya nakitang natinag si Michelle sa harapan niya. She always looked composed, snobbish, proud and authoritarian. She would trade her riches para lang makita niyang naapektuhan ito ngunit walang bahid ng anomang emosyon ang mukha nito!

It fueled her animosity towards Michelle. Inis na inis na siya rito noon, dahil sa labis na pagiging makasarili. Ngayon ay mas tumitindi ito.

Kahit sa mga meetings nila noon. She is calm and collected kahit may problemang kinahaharap ang magnify. This disappoints her more. Wala siyang makitang kahinaan or putik na maibabato kay Michelle, aside kay Zenith mismo. Si Zenith ang tanging kahinaan ni Michelle.

Is she protecting their family's image? Baka ito ang dahilan kung bakit hindi nito hinihiwalayan si Zenith despite the fact that she knew what Zenith had done.

Sinansala din niya ang naisip. Sandejas has a fair share of controversies and business decisions that affected their name. Those issues never dented their family's affluence.

Inis niyang inihagis ang fountain pen sa ding ding. Gustuhin man niyang bilhin ang shares ni Michelle para maging kanya nang tuluyan ang Magnify, she cannot afford it.

Malaking pera ang kakailanganin niya. Ang pera niya ay hindi man lang aabot sa ika-sampong bahagdan ng shares nito. Hindi rin naman kaya ng pride niya na bilhin sa kanya ni Michelle ang shares niya.

With her current condition ay hindi niya kakayaning bumuo ng sariling advertising agency. Kung mula sa napagbentahan ay magsisimula siya ng bago, mahihirapan siya sa fixed costs at overhead costs ng kumpanya bago pa sila makahanap ng kliyente.

Ang ikinapagtataka niya, Kung alam na ni Michelle ang relasyon niya sa Asawa nito, bakit hindi nito kinokompronta si Zenith? Is that her way to keep him? Will Zenith finally broke the marriage with Michelle if he will learn that Michelle knew their affair?

Kung ganoon bakit takot si Zenith malaman ni Michelle ang tungkol sa kanila? Was it money reasons again? Wala siyang nababalitaang financial turmoil or kung anoman sa Negosyo ng mga ito na nagkakaproblema sa pinansiyal na aspeto.

Siya rin ang sumagot ng kanyang tanong. Zenith could not afford to let Michelle learn this illicit affair. Ilang beses na ba nito ipinamukha sa kanya na mahal nito ang Asawa at ito ang kanyang pinipili.

A Sinful Forbidden AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon