#FPLifeBefore
It was so peaceful in the past few days. Wala akong Jed na nakita pa, mabuti naman. Linggo na ngayon at inaya ako ng isa pang kaibigan ko na si Kohen nung chinat niya ako. Birthday nga pala nung ate-atehan namin na tinatawag naming Ate Elle, a semi trans woman and her real name is Aikel. Kilala sila ni Caroline kaya inaya ko rin siya rito sa parlor kung saan kami nagse-celebrate ng birthday ni Ate Elle na siyang may-ari rin ng parlor at kasama nga ni Caroline si Reynard na boyfriend niya, as usual.
"Hindi ka pa nagbo-boyfriend, Timothy? Nandiyan naman si Kohen at nag-aantay sa 'yo, ayieee!" asar ni Ate Elle sa akin kaya nagkantiyawan rin ang mga kasama namin. Palagi niyang inaasar sa akin si Kohen mula pa noon.
Napatingin tuloy ako kay Kohen. Nagkaroon din kami ng landian moments at isang beses lang naman may nangyari sa amin, ayaw ko nang maulit dahil nakaka-awkward dahil nga kaibigan ko siya.
"Ano ba kayo. Huwag nga kayong ganyan," sabi 'yon ni Kohen. "Friends lang kami ni Timothy, okay?"
"Bakit kasi hindi na lang kayo?" Napatingin naman kami ni Kohen kay Ethan. Actually siya ang isa sa pinakakaibigan namin ni Kohen dahil trio kami kaso busy siya palagi kaya bibihira na lang namin siyang makausap, kami naman ni Kohen ay minsanan lang. Pareho silang first year college ngayon habang ako second year college.
"May nililigawan na kasi 'yan si Kohen," natatawa kong sabi. "At isa pa... Wala, friends lang talaga kami at hanggang doon lang 'yon."
Nagpatuloy na lang kaming kumain ng pulutan at uminom ng beer. Gosh, nakaka-awkward! Yeah, malandi talaga ako sa malandi sa akin pero take note: malandi na TYPE ko! Ay basta, ayaw ko nang maalala 'yung sa amin ni Kohen. Wala naman na 'yon sa amin.
Nang makauwi ay tinulungan ko si Reynard na ihatid si Caroline dahil sa nahihilo na ito sa nainom na alak. Sinabi kasi namin ni Reynard kay Caroline na huwag masyadong uminom, mabuti na lang at hindi siya lasing, nahilo lang talaga.
"Salamat, ingat kayo," sabi 'yon ni Caroline bago siya pumasok sa bahay nila.
"Sige, Timothy. Dito na lang ako, ingat ka," nakangiting paalam sa 'kin ni Reynard at saka na siya umalis.
Maglalakad na sana ako paalis nang biglang may tumawag sa akin. Napalingon naman ako kay Kuya Raiko.
"Nielven Timothy, nandito ka pala?"
Napangiti ako. "Hinatid ko lang si Carol, Kuya Raiko. Uuwi na rin ako."
"Wala ka bang kasama? Ikaw lang mag-isa na naghatid kay Carol? Nag-inom na naman 'yon, ano?"
Natawa naman ako. "Yap, nahilo kasi pero hindi siya lasing, ayon nagpapahinga na siya ngayon. Kasama ko si Reynard na naghatid sa kanya rito so no worries."
"Ah ganoon ba. Uuwi ka na ba? Ihatid na kita."
BINABASA MO ANG
Floral Pathway
RomanceThe life story of Nielven Timothy Serato is full of plot twists. That's why, because of the events in his life, he will take a lot of pathways in his life. 'PLAGIARISM IS A CRIME, MAKE YOUR 'OWN' STORY!'