Kabanata 19

64 2 0
                                    


#FPWithHer


"Hatid na kaya kita?"


Tumanggi ako sa alok ni Charlie dahil sa ang kulit niya. Ayaw ko sa presensya niya at hindi ko feel 'yung panglalandi niya sa akin.


"Dali na!" Pagpupumilit pa niya.


"Hindi na nga, Charlie! Doon ka na lang sa iba at huwag sa akin, tigilan mo na ako."


Iniwan ko na siya roon. I know naman na marami rin siyang kalandian kaya sila na lang ang kulitin niya at huwag na niya akong idagdag pa. Matagal ko na rin tinigil ang panglalandi sa lalaki o pangcha-chat dahil nakakaumay na! Quota na ako kay Liven.


Hindi ko alam, pero feeling ko, balewala na sa akin 'yung panlalandi ng mga lalaki tapos balewala na sa akin kung pogi ba sila o kaya matangkad or maganda ang katawan o malaki ang tinatago.


I think, the universe says that this is my new destiny... Naniniwala ako na parang pathway or daanan ang ating buhay. Feeling ko, lumiko na ako ng ibang pathway at hindi na dumiretso sa tinatahak ko nung alam kong napapagod, naiinip at nasasaktan na ako.


Habang naglalakad ako ay may tumigil na kotse sa gilid ko. Napatigil ako at tumingin sa bintanang bumukas na ang bumungad sa akin ay si Hailey!


"Timothy, bakit mag-isa ka lang naglalakad? Tara na! Sumakay ka na! Ihahatid kita." Nakangiti pa niyang alok sa akin.


"Ah hindi na, Hailey... Doon k-kasi ako sa kanto mag-aantay ng jeep."


"Bilis na. Sayang pamasahe... Pauwi na rin naman ako."


"Nakakahiya naman, Hailey."


Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya at saka siya lumabas doon kaya napalunok ako. Lumapit siya sa akin at tinignan niya ako.


"Dali na, Timothy! Para namang others."


Napakamot ako sa batok ko dahil sa hiya. Kaya naman pumayag na lang ako sa kanyang alok dahil sa pinipilit niya pa rin ako na sumakay sa kanyang kotse.


Tahimik lang ako habang nakaupo sa tabi niya. Tumingin lang ako sa bintana ng kotse upang manood sa paligid.


"Kumusta naman work mo?"


Napalingon ako sa kanya dahil sa tanong niya. "Ayos lang naman."


"Ah may naging friends ka na roon?"


Tumango ako. "Oo kaso minsan ko lang sila makausap. Mas focus talaga ako sa ginagawa ko eh."


"Good 'yan. Para kasing family talaga ang mga nagtatrabaho sa ating business and at least ay friends mo na rin sila at nakaka-join ka."

Floral PathwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon