Kabanata 15

55 2 0
                                    


#FPKuyaRaiko

Content Warning: This chapter contains scenes of physical violence. Reader discretion is advised.


"Ako? Bakit ako?" nagtatakang tanong ni Kuya Raiko bago siya umupo rin kasama namin sa hapag. Kaharap ko pa nga siya.


"Ipaliwanag mo nga, Timothy. Bakit ba siya?" taka ring tanong ng kanilang Papa. "May something ba kayo noon ng anak ko ring si Raiko?" Mariin siyang nakatingin sa akin.


Mabagal akong tumango. "P-Pero wala na po 'yon, noon pa po 'yon, n-nahihiya lang po ako."


"Bakit ka naman mahihiya kasi, Timothy? Dapat pinanindigan mo! Tinalo mo ang kapatid ko," inis na sabi pa ni Caroline kaya lalo akong napayuko. Sinaway siya ng kanilang Papa at nag-sorry naman siya sa 'kin. "Sorry beh, hindi ko lang napigilan."


"Sige basta masaya kayo. Ayos lang sa amin. Sana hindi na kayo magkagulong tatlo dahil si Raiko ay magkakaroon na ng pamilya at ikaw Liven... Alam mo na naman siguro ang mga ginagawa mo." Paalala pa ng Papa nila.


Sumang-ayon na lang kaming tatlo nina Liven at Kuya Raiko roon. Napatingin ako kay Caroline na ngumiti nang maliit saka kay Ate na nakangiti lang din sa akin. Tinignan ko naman si Kuya Raiko na nakatingin lang sa akin habang si Liven ay tinatango-tanguan lang ako na pinapahiwatig ay 'ayos lang at huwag akong mag-alala'. Huli kong tinignan ang magulang nila at nakangiti lang din sila sa akin. Sabi pa nga nila na tawagin ko na lang rin silang Mama at Papa.


Ikinatutuwa ko ang pangyayaring 'yan. Tila naramdaman ko na ang kapayapaan hindi lang sa utak ko pati na rin sa paligid ko. Puno ng positivity ako kaya pakiramdam ko ay nakakahawa ako sa iba ng pagkapositibo ko sa buhay. Okay na kami ni Liven eh. Legal na kami sa mga nakapaligid sa amin, malaya na rin kami sa public kaya nakakapasyal na kami ni Liven sa mataong lugar at hindi lang puro sa Condo.


Birthday na ni Liven bukas kaya naisipan kong bumili ng pangregalo sa kanya. Naisip kong blue jeans at polo shirt na orange ang ibili ko for him tapos isang couple T-shirt namin na black and white stripes saka sapatos na puti para sa kanya. Okay na 'yan. Nagastos ko tuloy ay umabot sa libo.


Habang papalabas ako ng mall ay may nakasalubong akong hindi ko inakala...


"Timothy."


"Kuya Raiko? Ano'ng ginagawa mo rito sa mall?"


"May binibili rin pero nakita kita... Ngayong nakita naman kita, pwede ba kitang makausap?" tanong niya sa akin sa seryosong paraan.


"Ha? Para saan naman?"


"Basta, please. Hatid na rin kita sa condo mo, roon tayo mag-usap."


Wala na akong nagawa kung hindi pumayag na lang. Nakasakay pa nga ako sa motor niya eh, hanggang sa makarating na kami sa condo. Kinuha ko naman sa may compartment niya sa likod ang mga ibinili ko para kay Liven na nasa mga karton bag.

Floral PathwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon